Posted inTitik ni Ederic

Walang pagsisisi

Pinagsisisihan na raw ni dating Pangulong Corazon Aquino na nakatulong siya na maluklok sa kapangyarihan si Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001 People Power Revolt. Maaalalang sina Tita Cory at Cardinal Sin ay nanawagan ng People Power matapos magkalutuan noon sa impeachment trial ng napatalsik na Pangulong Joseph Estrada. Hindi nakapagtatakang ma-bad trip ang biyuda ni Ninoy. […]

Posted inBalita at Usapin

Panggising

Kahapon, bagamat nakakaantok ang nakababagot na tinig ng mga kinatawang nagsasagawa ng moro-moro sa gitna sa katahimikan ng madaling araw, binulabog nito ang unti-unting napupukaw na diwa ng sambayanan. Habang nagdiriwang ang mayabang na reyna, bumabaha sa mga kalsada ang mga sigaw para sa katotohanan at katarungan. Kumukulo na ang bulkan. Tila nanganganib ang impostor […]

Posted inPipol

Para kay Senador Raul Roco

Pumanaw noong Agosto 5 sa edad na 63 ang isang pinunong nagtiwala at tinitingala ng mga kabataan, si dating Senador Raul Roco. Dating lider-estudyante, si Roco ay naging pinakabatang pangulo ng National Students of the Philippines. Bukod pa sa kanyang matalino at magiting na papel sa impeachment trial laban kay dating Pangulong Joseph Estrada, maalala […]

Posted inPipol

Umuwi na si Raul Roco

Kanina, inilipad na papuntang Kabikulan ang mga labi ni dating Senador Raul Roco. Doon siya hihimlay. Kahit na siya’y lumisan, nawa’y patuloy na tumubo at lumago ang binhing kanyang isinaboy. Bagamat dalawang ulit na ipinagkait sa kanya ang pagkakataong maangkin ang karangalang pagsilbihan ang bayan bilang Pangulo ng Republika, higit na magiging mahalaga ang kanyang […]

Posted inAt iba pa

Larawang kupas

Medyo jologs pa ‘ko nu’n… hanggang ngayon! Ako ‘yung nakaupo sa dulong kanan. Caption galing sa Flicker ni Helen: “Graduates, at last! The JDI scholars and their parents with Mr. Colayco and Teddy Boy Locsin.”