Bagong umaga

(Unang nalathala sa Tinig.com) Maganda ang gising ko noong umaga pagkatapos ng eleksyon. Kaisa ako ng isang buong bayang wari’y sabay-sabay na naglabas ng isang mapagpalayang buntung-hininga matapos ang di-inaasahang kinalabasan ng halalan. Sa kabila ng napakaraming mga pangambang dulot ng kawalang-tiwala sa mga nakaupong aliw na aliw sa kapangyarihan, nairaos din ang halalan. Pagsapit […]

Posted inPinoy Gazette

Koronang tinik

Ang reynang itim ay di yayao nang walang huling hirit; dilaw na prinsipe’y pinutungan muna ng koronang tinik! Sa kabila ng malawakang pagtutol sa loob at labas ng legal community dahil sa mga usaping legal at ethical, nagtalaga si Gloria Arroyo ng bagong punong mahistrado ng Kataastaasang Hukuman — isa sa maraming midnight appointments niya. […]

Posted inPinoy Gazette

Kapangyarihan at kaligtasan

Hindi na ikinagulat ng mga Pilipino ang pag-aanunsiyo kamakailan ni Gloria Macapagal-Arroyo na habang nakaupong pangulo ng republika, tatakbo siya bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa halalan sa Mayo 2010. Nauna na niya itong ipinaramdam minsang nagtalumpati siya sa Subic noong 2007 at sinabing “Who knows? I may run for Congress in my […]

Posted inBlog

Pangulong Cory

Binalot ng pagluluksa ang Pilipinas nang ang pagpanaw ni dating Pangulong Corazon Aquino ang balitang unang narinig ng mga tao sa kanilang paggising noong Agosto 1. Si Cory, asawa ni Benigno ‘Ninoy’ Aquino na isa sa mga lider na lumaban sa diktaduryang rehimen noong dekada 70, ay napalapit sa puso ng mga Pilipino matapos patayin […]

Posted inPinoy Gazette

Gloria, Imelda at Corazon

Tatlong kilalang mga babae sa ating kasaysayan ang sabay-sabay na naging laman ng mga balita nitong nakaraang linggo. Si Imelda Romualdez Marcos. Dating First Lady ng Pilipinas. Asawa ni Ferdinand Marcos, ang sumakabilang-buhay nang diktador na kasama si Imelda ay nakakulimbat ng tinatayang lima hanggang 10 bilyong dolyar mula sa kaban ng yaman ng bansa. […]