Posted by mobile phone:
Ang pinakamaagang alaala ko ng unang EDSA People Power Revolution ay hindi pa tungkol sa mismong pag-aalsa, kundi sa kampanya para sa halalang pampanguluhan ng 1986.
Ang tinutukoy ko ay ang maliit na sticker na bilog ng UNIDO, ang alyansang naglunsad sa kandidatura nina Pangulong Cory Aquino at Pangalawang Pangulong Doy Laurel. Naaalala kong may nakadikit na ganoong sticker sa sasakyan ng mga pinsan ko. Marahil ay nabigyan din ako ng sticker na iyon o kaya nama’y sadyang milyon-milyong piraso ang ginawa para makita ito noon kung saan-saan. Kung hindi, bakit di ko ito malimutan kahit di na malinaw ang eksaktong detalye ng sticker?
At noong nasa Grade 2 ako — isang taon pagkalipas ng unang EDSA — gumanap naman ako sa isang dula bilang campaign leader ni Cory. Nakipagdebate ang aking karakter sa mga tagasunod ng diktador na si Ferdinand Marcos. Kung tama ang pagkaalala ko, nakumbinsi namin ang mga loyalista, at sa huli’y nagkasama-sama kami sa likod ng bagong pangulo.
Gusto kong makakita ulit ng sticker na dilaw — o yellow orange — ng UNIDO. Gusto ko ring mahanap ang script ng dulang sinalihan ko.
Dahil may pasok sa opisina, hindi ako makadalo sa alinmang paggunita o pagtitipon upang alalahanin ang unang EDSA at isulong ang isa pa. Magpapatugtog na lang muna ako ng “Handog ng Pilipino sa Mundo,” “Magkaisa,” at “Heal Our Land.”

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 16, 2024
Greenpeace PH: no need for nuclear energy
Greenpeace comments on the PH-US nuclear pact and advocates for renewable…
June 9, 2023
Fair-gig at food pop-up para sa Martsa ng Magbubukid
Suporta sa mga magsasaka ang Bagsakan para sa Lupa, Hustisya, at Kapayapaan.
March 2, 2023
PETA Celebrates Pamela Anderson’s Animal Activism
“From the Philippines to her home country of Canada, Pamela Anderson has made…
hipag ni madam ang aking yumaong lola. Pero si Mayora Meding naman e very diplomatic. smile , smile lang. kabaligtaran ng lokaloka niyang apo. hahaha.
Ahh magkakasama siguro sila sa barkadahan ng Blue Ladies, hehe.
Oo nga, iba ang kinalabasan ng apo. Haha. :p
Alam mo ba na ako e tagapagkampnya ni Marcos noon? Galit na galit ako noon kasi ang gugulo ng mga tao sa paligid at pinapalayas si Marcos. Ngayon ko lang napagtanto habang inabuksan ko yung baul ng lola ko. Blue Lady pala siya. Me blue na ribbong na parang medalya at me mga sulat pa si Imelda. Sa lola kami nakatira noon kaya malaki impluwensiya ng paligid.
Kaya ako di ko aangkinin ang EDSA pero ang diwa nito e nanamnamin ko na parang chocnut. Kung ang pag angkin at pagnamnam ng diwa nito ang makakapagpatibay ng conviction sa atin na maging kabahagi ng pagunlad ng bayan e di ayon nga kay Kris- GO!
Haha, isang rebelasyon iyan, Ninay. Barkada ba ni Lola Carmencita ang lola mo?
Pero oo, masustansiya para sa ating kalusugang pangkasaysayan ang diwa ng EDSA. 😉