Nilagdaan na raw ang Mutual Logistics Support Agreement sa pagitan ng US at Pilipinas ngayong umaga, ayon sa mga balita. Medyo patago ang lagdaan, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan. Sabi naman ni US Ambassador to the Philippines Francis Ricciardone, no big deal naman sa kanila ng MLSA, at ayaw niyang kumpirmahin ang balita. No big deal pala, pero bakit itinatago? Hmmm…

Paulit-ulit nang sinabi ng administrasyon na ang MLSA ay isang simpleng kasunduan lang na magpa-facilitate sa bentahan, hiraman at transfer ng military logistics sa pagitan ng US at Pilipinas. Pero nangangamba ang mga kontra sa kasunduan na mauwi ang MLSA sa di-hayag na pagbabalik ng base militar dahil papayagan ng kasunduan na magkaroon ng storage facilities dito ang US military.

Iminungkahi ng Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona, dapat idaan sa Senado bago malagdaan ang MLSA. Mas nais niyang hayag sa publiko ang prosesong tutungo sa pag-aapruba rito, hindi kagaya ngayong halos walang ideya ang mga mamamayan tungkol sa nilalaman ng kontrobersyal na kasunduan. At ngayon nga, binulaga na lang tayo ng balita na nalagdaan na ito.

So much for transparency in the US hegemony’s local executive committee, a.k.a the Macapagal-Arroyo government.