Kahapon, namili kami ni Mhay sa Trinoma ng ilang pangregalo. Kanina naman, sa Gateway kami. Narito ang ilang random thoughts ko habang nagmo-malling at comments tungkol sa ilang produkto at brands. Dapat ay imo-moblog ko, kaso baka matalisod ako habang nagta-type sa Treo ko, kaya tinandaan ko na lang.
- Concerned ang pamunuan ng Landmark o Trinoma sa customers nila. Ihinahatid ang mga mamimili hanggang sa sakayan ng taxi at istriktong binabantayan ng mga gwardya ang pila sa taxi para masigurong maayos na makakasakay ang customers.
- Marami talagang mapagpipillian sa Landmark.
- Mahina ang aircon sa Bench stores, lalo na sa Gateway branch. Ilang minuto pa lang kaming tumitingin ng mga damit, pinagpapawisan na ako at kailangang tumapat sa electric fan.
- Pero asteeg yung eco-friendly bag nila in gold and silver. P35 lang. Napuna at nagustuhan nga ng mga taga-Dickies.
- Si Rayver Cruz ang modelo sa pocket calendar na ibinigay sa amin. Meron na rin ako ng kay Iya Villania.
- Mas mahal ang mga damit sa Penshoppe kaysa sa Bench.
- Base sa mga kakaiba at Pinoy na disenyo nito, masasabing ipinagmamalaki ng Bayo na ito’y produktong Pilipino.
- May planner na rin ang Jollibee. Mas intresado ako rito kasa sa Starbucks planner.
- Kadalasa’y palpak ang delivery ng Jollibee. Mas maayos yung sa McDo.
- Mas gugustuhin kong mag-kape sa Figaro kaysa sa Starbucks. Tatak-Pinoy ang Figaro at tumutulong sa muling pagpapaunlad ng kapeng barako.
- Mas nakakairita ang pagtambay sa Starbucks dahil mas marami ritong cono kaysa sa Figaro.
- Mas masarap ang Kopi Bun ng Kopi Roti kaysa sa Coffee Bun ng French Baker. Parang kadiri yung malambot sa loob ng sa French Baker.
- Masarap ang Spicy Chicken sa Kimchi. Tamang-tama ang anghang–yun bang konti na lang ay halos di mo na malalasahan, tapos may tamang lahok ng tamis.
- Nakakaaliw ang maniking naigagalaw ang mga daliring kahoy. Masayang paglaruan.
- Pangit ang location ng National Bookstore sa Farmer’s. Mahirap hanapin.
- Gusto ko ng mug ng Mr. Donut. Kaso lang, kailangan ko pang bumili ng isang dosenang donut.
- Mas masarap ang glazed donut ng Krispy Kreme kaysa sa iba.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
August 22, 2022
Jollibee opens in Times Square
Jollibee on Thursday officially took its place at "the crossroads of the world"…
January 3, 2020
Affected ka ba sa phase out ng Jollibee Champ?
Kinumpirma kahapon ng Jollibee ang usap-usapan na mawawala na ang burger nilang…
March 24, 2009
Disenyong Pinoy at ang 3 Stars & a Sun
Para bang bigla na lang, it's cool to wear Pinoy.
[…] bumili ako ng 2008 Jollibee planner […]
[…] kahit bumili ako ng 2008 Jollibee planner, nangongolekta ng laruan at pocket calendar ng Jollibee at gusto ng Jollibee mug, nagpapa-picture […]
@aajao: Kasi gift wrapper lang binili namin. :p
@JM & Micamyx: Mas accessible yung NBS Farmers kung galing ka sa kalsada. Kung galing ka sa MRT, medyo mahirap.
@repah: Salamat, hehe. Ang totoo niyang, malilimutin talaga ako. Kaya isinulat ko agad ang mga ito.
@benj: Di ko nabalitaan yun, ah. Baka kaya ayaw nilang pakunan ang mga disenyo ng damit nila. Hehe.
Didn’t Bayo get into trouble for copying designs from a Japanese clothing label? hehe
halu.. hehehe.. binisita ko tlaga ito, kc super intriga ako kung cno ang blogger of the week ng wp.. tunay na deserving mo itong awadtsinana itetchewa!!! hehehe.. kakatuwa ka andami mo plang sayd comments habang nagmomoling..wla k plang memory gap at natandaan mo lahat ito.. hehehe.. asssteeegggg!!!
Pumunta din ako sa NB sa Farmers dati hehe hirap ngang hanapin umuulan pa nun
Ako naman, “May National Bookstore sa Farmers???!” Hahahaha. Mukhang mahirap nga siyang hanapin.
At oo nga, six floors ang National sa tabi ng Gateway? =P
bakit po kayo nagpunta pa ng Farmers para lang sa National Bookstore? hindi ba napakalaki ng main branch nito sa tabi lang ng Gateway?