- ederic.net - https://ederic.net -

McBilly for Mr. Cebu 2008

McBilly Wilford Sy [1]
McBilly Wilford Sy

Kung si Bb. Pilipinas Janina San Miguel [2] ay nagsoli na ng korona at umatras sa laban para sa Miss World, tuloy na tuloy naman ang pagsali ni cyberceleb-blogger McBilly Wilford Sy sa Mr. Cebu 2008 [3].

Puwede pa nga natin siyang iboto sa website ng male beauty pageant na sinalihan niya. Para tulungan at dagdagan ang boto ni McBilly, pumunta lamang sa www.mrcebu.com/MrCebuVote.php [1].

Pagkatapos ng pagmomodelo niya sa Bench Blackout [4] at pagiging isa sa Cosmopolitan 69 [5], abangan natin ang susunod na adventures ni friendly McBilly.