Makapatid-litid sa lalamunan. Ganyan ang tawag ko sa ubong kumapit sa akin sa nakalipas na mga araw. Nagkaroon pa ng bonus na lagnat.

Hindi, hindi ito A(H1N1). At huwag sanang magbibiro ng ganyan — hindi nakakatawa.

Biyernes, Araw ng Kalayaan. Nagising akong inuubo. Hindi nga ako nakadalo sa Dog Tag Day ng Ako Mismo. Kinabukasan, Sabado. Nakitambay lang ako kina Myla. Pagdating ng hapon, nilagnat ako. Ganoon din nung gabi, hanggang sa kinabukasan. Buti na lang at nawala na rin ang lagnat noong Linggo–salamat sa TLC ng Mahal ko.

Nagpa-check up ako sa Delgado Hospital, at pagkatapos nang may isang oras na pagdiskubre sa Yahoo! Go application sa Sony Ericsson habang naghihintay ng resulta ng blood test, sinabi ng doctor na mukhang viral [infection] lang daw. Niresetahan niya ako ng gamot para sa ubo.

Isang linggo pang kumapit sa akin ang ubo. Grabe, ayoko ng feeling na magigiba ang lalamunan ko sa kakaubo. Parang ano ba, wala nang maibibigay ang baga ko!

Naalala ko tuloy si Tatay Andoy, ang lolo ko. Naawa ako noon sa kanya kapag inuubo siya. Kaya pala may mga weird sounds siyang ginagawa dati, yun pala yung kapag pinipilit niyang pigilan ang pag-ubo.

Meron pang konting pag-iinarte ng lalamunan, pero sana naman ay tuluyan na akong gumaling. Pangako, di na ako maglalakad sa ilalim ng ulan sa Fort Boni (kahit cool at masaya ito), tatapat sa napakalaking electric fan (kahit puwede namang lumipat ng upuan) kapag nasira ulit ang centralized aircon, at magsusuot na ako ng makakapal na damit (at gagamit ng patung-patong na kumot) kapag sobrang malamig ang aircon sa kuwarto. Bibili na rin ako ng kumpletong vitamins at mag-i-exercise lagi.

Dito na muna. Happy New Year, hehe.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center