Napanood na ba ninyo ‘yung patalastas sa TV na nagtatampok sa awiting “Kanlungan” ng Buklod? Nang una ko itong nakita, sabi ko, “Asteeg naman nung ad. Ang galing. Ano’ng produkto ito?” Muntik na akong malaglag sa upuan nang malaman kong ad ito ng McDonald’s. Hindi naman sa walang karapatan ang McDo na gamitin ang “Kanlungan,” pero nakakalungkot, lalo na’t kilala ang Buklod bilang makabayang banda. Ano ang ginagawa ng kanilang kanta sa ad ng pinakakilalang simbolo ng imperyalismong US na ngayo’y ibinoboykot ng marami bilang protesta sa giyera ni Bush?

Para sa isang Jollibee fan na kagaya ko, isa na naman itong kahinaan sa panig ng ad agency ng paborito kong fastfood chain. Ganito rin ang naramdaman ko nang makita ko ang McDo ad na nagtatampok naman sa Simbang Gabi noong magpa-Pasko.

Curious lang ako. Nag-sell out ba ang Buklod? Bakit kaya nagkaganoon? Talaga bang mahirap na ang buhay? Tuluyan na bang magkakahiwalay sina Dao Ming Shi at Shan Cai? Matatapos pa ba ang Meteor Garden?

Ederic Eder

Filipino blogger

Join the Conversation

71 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

  1. ganda ng kanta ng buklod,matagal ko na gusto yan.since 16 yrs old palang ako.kumpleto nga ako ng tapes ng buklod

  2. pls send me only the lyrics and the GUITAR CHORDS of Kanlungan by Noel Cabangon.Salamat & MORE POWER!!! God BleSs!

  3. Sa Kazaa po may Kanlungan!

    Please visit http://www.commonstand.com sa mga gusto bumili.

    Kanlungan
    Mga Piling Kanta ng Buklod

    Great songs! I also like this one.

    NASA ATIN ANG PANAHON (From Buhay at Bukid)

    Nais kong makipaglaro sa alon
    At sa saliw ng hangin ay sumayaw
    Nais kong makatalik ang rilag ng kalikasan
    Ngunit mananatili bang pangarap na lamang

    Mga dagat at ilog ay may lason at dugo
    Kailan kaya ito mahihinto
    Isang araw bawat tuwa ay papanaw
    Mga bata’y masasadlak sa hirap ng buhay

    Halinang likhain, itayo ang bukas
    Para sa ating mga anak
    Ipaghanda sila ng daigdig na sagana
    Nasa atin ang panahon

  4. i do realy like the song, when i hear the song i remember my past live,,,i hope that the song will patronize by all filipinos.. ala ako msabi its really nice…… listening to the music makes me happy… i remember my childhood… my first day in schoolll…my h.s life…….. and now i cant belive im already a col. student… mlapit ng grumadua8……. time is so fast…. mlapit na akong humarap sa totoong buhay.. and i know mhirap…. ryt now im doing all the things that i want to do before na tumanda ako…….because we canot change the past nor control the future..it will continue running… what can i say be good habang maaga pa… because in times na darating ang panahon natin… di na ito mag babagooooooooo……. make a change ryt now

  5. sino ba yung mga rappers sa bagong commercial ng mcdo ngyn lupit!!!!! ang galing!!!!!!! lalo na ng nasabayan pa ng breakdance

  6. Kanlungan
    ( Buklod )
    =============================================
    Intro: E – C#m – A – B, E, A, B, C#m —

    E – C#m – A – B
    pana-panahon ang pagkakataon
    E – A B C#m
    maibabalik ba ang kahapon?

    Stanza1
    A B C#m
    natatandaan mo pa ba,
    A B C#m
    nang tayong dalwa’y ang unang nagkita?
    A B C#m
    panahon ng kamusmusan
    A B C#m
    sa piling ng mga bulaklak at halaman
    A B C#m
    doon tayong nagsimulang
    A B C#m
    mangarap at tumula

    Repeat Stanza 1 Chord
    natatandaan mo pa ba,
    inukit kong puso sa punong mangga
    at ang inalay kong gumamela
    magkahawak-kamay sa dalampasigan
    malayang tulad ng mga ibon
    ang gunita ng ating kahapon

    A B C#m
    ang mga puno’t halaman
    A B C#m
    ay kabiyak ng ating gunita

    A B C#m A B
    sa paglipas ng panahon bakit kailangan ding lumisan?

    E – C#m – A – B
    pana-panahon ang pagkakataon
    E – A B C#m
    maibabalik ba ang kahapon?

    Do Stanza 1 Chord
    ngayon ikaw ay nagbalik
    at tulad ko rin ang iyong pananabik
    makita ang dating kanlungan
    tahanan ng ating tula at pangarap
    ngayon ay naglaho na
    saan hahanapin pa?

    Do Stanza 1 Chord
    lumilipas ang panahon
    kabiyak ng ating gunita
    ang mga puno’t halaman
    A B
    bakit kailangan lumisan?

    E – C#m – A – B
    pana-panahon ang pagkakataon
    E – A B C#m
    maibabalik ba ang kahapon?

    ** Note: I have not included some key chord due to lack of guitar.
    ** at least,, that is the last for you to find out..interlude and lead.

  7. ok bro salamat sa lyrics and chords more power sa inyo. sana kung makakabigay kyo ng mp3 ni2 mas mabuti d2 ksi me china ngyon at blita ng isang friend me d2 ok daw nga yang song na yan kso di pa me naririnig sana matulungan nyo ako. salamat.

  8. Kanlungan
    =============================================
    Intro: e – a – b – c#m

    Chord Pattern: E – A – B – C#m
    pana-panahon ang pagkakataon
    maibabalik ba ang kahapon?

    Stanza Chord Pattern: E – A – B – C#m

    natatandaan mo pa ba,
    nang tayong dalwa ang unang nagkita?
    panahon ng kamusmusan
    sa piling ng mga bulaklak at halaman
    doon tayong nagsimulang
    mangarap at tumula

    natatandaan mo pa ba,
    inukit kong puso sa punong mangga
    at ang inalay kong gumamela
    magkahawak-kamay sa dalampasigan
    malayang tulad ng mga ibon
    ang gunita ng ating kahapon

    ang mga puno’t halaman
    ay kabiyak ng ating gunita

    A B C#m B A G#m B
    sa paglipas ng panahon bakit kailangan ding lumisan?

    pana-panahon ang pagkakataon
    maibabalik ba ang kahapon?

    ngayon ikaw ay nagbalik
    at tulad ko rin ang iyong pananabik
    makita ang dating kanlungan
    tahanan ng ating tula at pangarap
    ngayon ay naglaho na
    saan hahanapin pa?

    lumilipas ang panahon
    kabiyak ng ating gunita
    ang mga puno’t halaman
    bakit kailangan lumisan?

    pana-panahon ang pagkakataon
    maibabalik ba ang kahapon?

    lumilipas ang panahon
    kabiyak ng ating gunita
    ang mga puno’t halaman
    bakit kailangan lumisa?

    pana-panahon ang pagkakataon
    maibabalik ba ang kahapon?

  9. estudyante pa lang ko sa manila samtang una kong nadunggan ang ‘kanlungan’, tam-is ug midulot sa kaunoran ang mensahe sa kanta, karon ania na ako sa cagayan de oro, balik sa akong yutang natawhan ug sa makaduha parehas ang akong natagamtaman sa dihang akong nadunggan pag usab ang kanta sa mcdo komersyal.

    ang tagsa-tagsa ka mga kanta adunay mensahe sa matag usa kanato, sa mcdo cguro usa kini ka paagi para makuha ang attention sa mga mga pinoy, kanta sa kinaiyahan.

    usa ka adlaw, tuig 1992 nakita ko si gary granada sa quezon city circle mikanta sa ‘bahay’ ug si joey ayala usab akong napaminaw sa kanta sa kinaiyahan.

    hinaot unta na kita makamata, pagaabrihan ang atong mga dalunggan sa musika sa kinaiyahan. dili nato tunglohon ang mcdo, o bisan kinsa pa nga ahensiya… daghang salamat.

    i

  10. Dati sa tuwing maririnig ko ang awiting kanlungan hindi maaaring hindi ko sabayan. Dahil sa tuwing naririnig ko ito ramdam na ramdam ko ang nais ipahiwatig ng kanta… ang pagmamahal sa kalikasan. Naalala ko rin ang mga kaibigan kong tibak dahil ito rin kc ang isa s kanilang paborito gaya ko… our all time favorite ika nga nila.

    Nung una kong mapanood ang commercial ng mcdo natuwa ako… pano ba naman narinig ko ang paborito kong kanta. Pero habang tumatagal nagiging gasgas na ang awitin… nawawalang saysay ang nais iparating ng kanta… natatabunan ang tunay n kahulugan nito.

    Nakakatuwa sanang isipin na sa wakas ang paborito kong kanta na bihira lang dati ang nakakaalam, ngayon maski sino ay kaya ng sumabay. Ngunit ano nga ba para sa kanila ang kantang kanlungan??? Awitin para sa pamilyang nagkahiwalay? O isa lamang kanta sa commercial???

    Nakakalungkot… nakakalungkot dahil sa tuwing naririnig ko ngayon ang kanlungan hindi na ang mga kaibigan kong tibak ang agad naaalala ko… hindi na ang kalikasan ang unang sumasagi sa isipan ko… kundi ang MCDO…

    Nakakalungkot…

  11. i’m out of the country and i saw yung feature sa tfc. i remember noong college pa ako, at isa to sa mga kantang gusto ko. maganda sana kaso, mcdo?anyway, mas masarap pa rin naman pakinggan ang kanta…

  12. favorite ko talaga ang buklod noon pa man. paborito ko rin ang kanta nilang kanlungan. muntik ko na ngang mabasag ang pinggan dahil sa sobrang pagmamadali kong mag usisa kung saan galing ang nrinig kong kanta.nagulat ako, (as in shock to the max!)nung makita kong MCdo pala ang commercial.di bagay ang kantang kanlungan lalu na’t ginamit ito ng mcdo na pag aari ng imperyalistang US! kainis! Boycott mcdo! sa turo-turo nalang tayong lahat kumain!!!

  13. waw!!! ang ganda ng song!!! ang galing talaga ng pinoy…. in fairness naman sa mcdo, maganda din yung pagkagawa ng commercial nila,yun nga lang foreigner nga ang may ari,… ganda ganda talaga ng song…. and sarap sarap pakinggan para bang pati kaluluwa mo nakafocus sa kantang “KANLUNGAN” ? para bang ibinabalik ka ng song sa pinanggalingan mo!!! weehw!!!

  14. ganda ng song! it is indeed just sad to know that it has to be mcdo of all ang mag-endorse,kasi its really ironic. if not for the commercial however, hindi pa mapapansin ng karamihan yung song, being that hindi siya sa mainstream nag-sprout, alam ko dati sikat lang yan sa mga aktibista. medyo kulang nga awareness ng mga pinoy about our own music and culture. in fairness, i like the commercial anyway, it gives justice to the song and i like the way it portrayed the meaning of the song. nakaka-touch, and isa pa, PMAer ako so syempre, i can relate to the ad. To Pula, who previously posted, oks lang sakin that you hated it because ung isang anak has to enter PMA, i dont take it against you because you have all the right naman to say that. =) I used to go to UP Diliman, and sometime in my life, pasama-sama din sa mga rally. So i understand the sentiments of most people here, about the irony of it all, about using what has sprang from our own culture with the most obvious manifestations of the us imperialism that we fight against.