Napanood na ba ninyo ‘yung patalastas sa TV na nagtatampok sa awiting “Kanlungan” ng Buklod? Nang una ko itong nakita, sabi ko, “Asteeg naman nung ad. Ang galing. Ano’ng produkto ito?” Muntik na akong malaglag sa upuan nang malaman kong ad ito ng McDonald’s. Hindi naman sa walang karapatan ang McDo na gamitin ang “Kanlungan,” pero nakakalungkot, lalo na’t kilala ang Buklod bilang makabayang banda. Ano ang ginagawa ng kanilang kanta sa ad ng pinakakilalang simbolo ng imperyalismong US na ngayo’y ibinoboykot ng marami bilang protesta sa giyera ni Bush?

Para sa isang Jollibee fan na kagaya ko, isa na naman itong kahinaan sa panig ng ad agency ng paborito kong fastfood chain. Ganito rin ang naramdaman ko nang makita ko ang McDo ad na nagtatampok naman sa Simbang Gabi noong magpa-Pasko.

Curious lang ako. Nag-sell out ba ang Buklod? Bakit kaya nagkaganoon? Talaga bang mahirap na ang buhay? Tuluyan na bang magkakahiwalay sina Dao Ming Shi at Shan Cai? Matatapos pa ba ang Meteor Garden?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center