Nasa college ako noong mapanood ko ang pagtatanghal ng Dulaang UP ng “Kangkong 1896,” na base sa aklat ni Ceres Alabado. Tungkol ito sa isang binatilyong umanib sa Katipunan. Di ko na natatandaan ang buong kuwento, pero naaalala kong luma-lovelife ang bida rito sa gitna ng rebolusyon laban sa Espanya.
16. KANGKONG 1896 (1967) by Ceres S.C. Alabado. The story was set during the revolution, the protagonist a confused teenager named Plorante, clearly inspired by Balagtas’ earlier hero, and the novel’s only fault was its earnestness, which we ironically badly need these days. pic.twitter.com/Ni83USpraz
— Edgar Calabia Samar (@ecsamar) August 8, 2018
Naalala ko ang “Kangkong 1896” dahil sa isang video na tungkol din sa pakikibaka at pagsalunga. Ang babala ng video na ito, ibang kangkungan ang maaari nating kahantungan ngayong taon.
Likha ng batikang direktor na si Mike de Leon ang “Kangkungan,” na tumatalakay sa kalagayan ng ating bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Lumabas ang video habang ipinagdiriwang ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution noong Pebrero.
Makapanindig-balahibo ang katotohanan ng pagkakasalaysay sa video ng mga kalbaryong hatid ng bagong diktador sa bayang itong pugad ng ating luha at dalita.
Kabilang sa mga binanggit ang giyera kontra droga na kumitil sa libo-libo nang mga Pilipino, ang pagpapatahimik sa mga lumalaban kay Duterte, ang pagyurak sa karapatang pantao at kalayaang panrelihiyon, at ang unti-unting nating pagpapasailalim sa China.
Nagawa rin ni Duterte, ayon sa video, “ang di-mapapatawad na krimen laban sa bansang natuto na yatang lumimot — ang suportahan ang pagbabalik sa kapangyarihan ng walang konsensiyang pamilya Marcos.”
Itinatapon ni Duterte ang ating bansa sa kangkungan, ayon kay Direk Mike. Naniniwala siyang napakahalaga ng papel ng Senado upang malabanan ang kabaliwang ito.
“Mga kababayan, ang Senado ng Pilipinas ang huling balwarteng sasalungat sa taong itong tila hindi titigil hanggang makamit niya ang absolute power.”
Sa huli, ganito ang kaniyang panawagan:
“Mga kababayan — at lalo na sa inyo mga kabataan — ngayong Mayo, bomoto na parang nakasalalay dito ang inyong kinabukasan at ang inyong buhay!”
Panoorin at ibahagi sa iba ang “Kangkungan”: https://youtu.be/gBuScB_9n7E
Ipomoea aquatica photo by Eric Guinther/Wikimedia Commons, CC BY-SA 3.0
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…