mong_palatinoSa Internet tinapos ng party-list group na Kabataan Party ang kanilang kampanya. Tinawag nilang Kabataan Cyber-Fever ang kanilang huling hirit sa Internet.

Bilang paghahanda sa Kabataan Cyber-Fever, nakipagkita noong Huwebes si Mong Palatino, pangulo ng Kabataan Party, sa mga kapwa niya bloggers.

Kabilang sa mga dumalo sina Shari Cruz (misteryosa.com), ang nanalo ng Best Personal Blog Award sa unang Philippine Blog Awards; Victor Villanueva (bikoy.net), na naging finalist sa parehong kategorya; at Jhay Rocas (Four-eyed Journal), estudyante ng De La Salle University-Dasmarinas.

Naroon din sina Vencer Crisostomo (Student Strike) at Sarah Katrina Maramag (Adarna’s Attic) ng Young Radicals blog, na naglunsad noong 2005 ng matagumpay na Pekeng Pangulo Googlebombing laban kay Pangulong Arroyo. Layunin ng Cyber-Fever na mapagbuklod ang mga Pilipinong blogger sa pagsuporta sa Kabataan Party.

kabataan_celebsSi Mong, na nagba-blog din sa mongster’s nest, ay correspondent sa Global Voices Online at kolumnista ng Tinig.com.

Dahil sa kakulangan sa pondo para sa mga patalastas sa traditional media, Internet ang ginamit ng Kabataan para marating ang mga kabataang botante. Sa Youtube ini-upload ang kanilang mga campaign video kasama sina Angel Locsin, Dennis Trillo, Atom Araullo, Ciara Sotto, Paolo Ballesteros, Marvin Agustin, at iba pang mga celebrity.

Nauna nang ini-endorso ng TXTPower ang Kabataan Party. Inirekomenda rin ni Manolo Quezon, kilalang blogger at kolumnista ng Philippine Daily Inquirer, sa kanyang mga mambabasa ang Kabataan Party.

Kung mauupo sa Kongreso, balak tutukan ng Kabataan Party ang mga usapin ng edukasyon, trabaho, good governance, consumer rights, hustisya at kapayapaan, kalayaan, demokratikong mga karapatan, youth empowerment, pambansang pagkakakilanlan, at kultura.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center