It's more fun in the Philippines

Pansamantalang nawala ang atensyon ng mga Pilipinong netizen kina Gloria Arroyo, Renato Corona, at Jovito Palparan kahapon matapos ilunsad ng Kagawaran ng Turismo ang bago nating tourism slogan: “It’s more fun in the Philippines.”

Sa unang dinig, di ito kasing simple at catchy ng “WOW Philippines.” Pero kung pakaiisipin, swak na swak ang slogang ito. Di nga ba’t kilala tayo sa pagiging masayahing mga tao? Kahit na nasa gitna ng rebolusyon o trahedya, nagagawa pa rin nating magpatawa at bumungisngis. Sa kabila ng ilang hindi kaaya-ayang bagay sa ating bansa, dahil sa magagandang tanawin at mainit na pagtanggap nating mga Pilipino, nag-i-enjoy ang mga turista sa Pilipinas. At bukod sa 7,107 pulo sa ating bansa, napakarami pang mga dahilang maaari nating ibigay kung bakit “it’s more fun in the Philippines.”

Pero ilang oras pa lamang ang nakalilipas, lumabas ang larawang ayon sa iba ay nagpapakitang nanggaya na naman ng logo at slogan ang DOT. Kumalat sa Internet ang scan ng “It’s more fun in Switzerland,” isang pahinang palatastas ng National Tourist Office ng Switzerland na lumabas noong — por dyos por santo — 1951!

May ilan ding sadyang pasaway at negatrons. Nag-tweet sila nang nag-tweet gamit ang official Twitter hashtag na #itsmorefuninthephilippines at inisa-isa ang lahat ng masasamang bagay sa ating bansa. At dahil naging number one worldwide trending topic ang hashtag, salamat sa kanila, nabasa rin ng buong sangka-Twitteran ang mga bagay na maaaring magtaboy sa mga turistang nais nating bumisita at makatulong na magbigay ng dagdag na trabaho rito.

Hindi masamang magtanong o sumalungat, lalo na’t pera ng bayan ang ginagastos ng DOT. Pero sa usaping ito, di kaya mas kailangan ng ahensya ang ating pakikiisa at suporta?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center