Dala ng kasiyahan sa pagpasok kanina ng UP Fighting Maroons Men’s Basketball Team sa finals ng University Athletic Association of the Philippines, naalala kong ikuwento ‘to sa inyo.
Nitong buwang ito, nag-dinner at nag-coffee kami ng isang kaibigan ko mula pa sa unang taon namin sa University of the Philippines. Sumunod sa kitaan ang anak niyang nasa high school, na ngayo’y pinag-iisipan kung saan siya magka-college.
Siyempre, ang inyong Tito of Manila, ibinenta sa binatilyo ang pamantasang hirang. Sa ngayon, ibang school ang napupusuan niya. ‘Ika ko, kahit may mga nagsasabing kilala ang paaralang ‘yon sa pagpo-produce ng graduates na wari’y ipinanganak upang mamuno, maaari siyang lumabas doon na parang inosente sa buhay ng mga karaniwang Pilipino.
Sabi ko sa kaniya, iba pa rin ang karanasang sa UP lamang niya makukuha. Papandayin ka ng UP para tumayo sa sarili mong mga paa. Mai-expose ka sa iba’t ibang mga perspektibang hahamon sa mga kinalakhan mong paniniwala. Makakahalubilo mo ang mga mahuhusay na kabataang galing sa iba’t ibang pinagmulan. At kahit makasisilip o kaya’y makapapasok ka mundo ng mga tinitingala at makapangyarihan, mananatili kang nakatungtong sa lupa. Sa UP, mamumulat ka sa tunay kalagayan ng mga nasa laylayan ng ating lipunan.
Saan ka man dalhin ng iyong kapalaran, paano mo man gamitin ang natutunan at naranasan mo sa UP, ang mga ito’y lalagi nang nasasaiyo.
Dagdag sa napakaraming mga pintuan at mahahalagang ugnayang binuksan ng Unibersidad ng Pilipinas para sa akin, ang mga nabanggit ang ilan sa mga dahilan kung bakit ipinagpapasalamat ko sa Diyos na pinagkalooban akong makapasok at makapagtapos sa State University.
Sa ngayon, parang di pa kumbinsido ang bagets ng aking kaibigan. Pero itutuloy namin ang kuwentuhan. Parang UAAP lang ‘yan — tuloy ang laban!

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
January 26, 2022
Relaunched Tsek.ph Pledges to Counter Election Misinformation
Tsek.ph, a pioneering collaborative fact-checking coalition, pledged to combat…
January 21, 2022
Bigger Tsek.ph to Be Relaunched Jan. 24
Consistent in its efforts to counter disinformation through verified…
November 18, 2017
GMA News and Public Affairs head Marissa Flores honored at UP CMC’s 1st Glory Awards
GMA Network SVP for News and Public Affairs Marissa Flores was recognized by…