Isa siyang batang ulilang lubos na nakikitira lamang sa maliit na espasyo sa ilalim ng hagdanan ng bahay ng kanyang mga kamag-anak. Payat, malabo ang mga mata, at may pilat na hugis-kidlat sa kanyang noo, agad siyang kaaawaan ng sinumang makaalam ng kanyang buhay. Inaapi at binabalewala ng mga dapat sana’y nagmamahal sa kanya, laking gulat niya nang malamang sa ibang mundo pala’y sikat na sikat at kinagigiliwan siya ng marami.
Sa daan pa lamang papunta sa mundong kinabibilangan niya, nakilala na ni Harry Potter ang mga bagong kaibigan. Pagdating sa Hogwarts University, naranasan niya ang pagkalinga at pagmamahal mula sa mga tunay na kaibigan ng kanyang ina at ama. Ngunit kagaya ng halos lahat ng kuwento, makakaharap din niya ang mga kontrabida.
Kasabay ng pagkakatuklas sa masaklap na kapalaran ng kanyang mga magulang, natagpuan din niya ang kanyang sariling mga lakas at kahinaan. Sa paglipas ng mga araw, patuloy niyang nililinang ang kanyang kakayahan sa iba’t ibang bagay.
Puno ng salamangka, sorpresa at tuwa ang kuwento ni Harry Potter, kaya naman patuloy natin itong sinusundan.
May mga ilang noo’y nagtaas ng boses at nagpalaganap ng mga maling impormasyon tungkol kay Harry Potter at sa lumikha sa kanya. Anila, ang kuwento raw ni Harry ay nagpapakalat ng “black magic.” May sa demonyo raw ang awtor ng aklat. Hindi raw ito dapat panoorin ng mga Kristyano.
Sa muling paglibot ng kuwento ni Harry Potter sa mga pinilakang tabing sa buong mundo ngayong buwan, siguradong muling lilitaw ang mga ganitong katawa-tawang alegasyon. Pero ang mga ito’y di na lang dapat pansinin.
Oo nga’t kadalasa’y may kapilyuhan sina Harry at ang kanyang mga kaibigan, ngunit sino sa atin ang hindi naging makulit o matigas ang ulo sa isang panahon ng ating kabataan?
At paanong ang isang kuwentong nagtuturo ng pagmamahal, pakikipagkaibigan, at pakikipaglaban sa mga kampon ng kadiliman ay magiging ahente ng kasamaan? Hindi ba’t ang mga ito’y katangiang maka-Diyos? Bukod pa rito, dapat bang itakwil ang isang aklat–at pelikula–na muling humikayat sa mga kabataan ng daigdig na magbasa?
Isa sa mga dahilan kung bakit paborito ko si Harry Potter ay sapagkat iniligtas siya sa kamatayan ng kapangyarihan ng pagmamahal ng kanyang ina. Hindi katakataka, sapagkat ang lumikha kay Harry ay isang inang mag-isang itinaguyod ang kanyang mga anak.
Sa ikatlong pagbabalik ni Harry Potter, matatagpuan niya ang isang taong gaganap ng isang napakahalagang papel sa kanyang buhay. Pupunan ng taong ito ang mga hungkag na puwang sa kanyang pagkatao at kasaysayan. Napakasuwerteng bata.
Muli natin siyang samahan sa kanyang mundong makulay, masaya, at minsa’y nakakatakot pero ngunit laging kapanapanabik.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
August 19, 2024
NAFA presents ‘Prismatic: Ang Ah Tee’
Exhibition showcases 40 recent works of Singapore Cultural Medallion recipient.
July 24, 2023
NAFA presents Southeast Asian Arts Forum 2023
The forum is a continuation from last year’s sustainability-centered theme.
KUya eric,
Ang harry potter ay isa sa libro na lubos kong hinangaan, pakiramdam ko ay parte ako ng kanilang mundo,,,
Hindi ko maiwasang ikumpara ang libro sa film ( maganda pero parang may kulang)Karamihan ng mga eksena na sana ay isinama ay wala!!
Ang mundo nila harry ay mundo natin, simbulismo lamang ang lahat ng mga naririto.. Simbulismo na mahirap tukllasin pero pag nakita mo….. magugulat ka
Aba, no new posts?
MJ
http://www.screwedprophet.com
Nanood na rin kami sa wakas last Monday. Nagwawala na kids ko kala nila hindi na palabas. Last full show kami kahit schoolday. Hay…
‘Di ba parang bitin? Ang ganda-ganda sa book ng Azkhaban tapos maraming hindi maganda pagka-translate sa film. Like yung academic overload ni Hermione vis a vis time travel. Yung pusa n’ya. Tapos, grabe and hirap intindihin ni Gary Oldman. Eh, yun ang gist ng story. When he told Harry who he was at naging tao si Peter…
In fact, unlike the first two films, tanong nang tanong mga anak ko while watching. Meaning, ‘di nila masundan unlike the previous ones.
kahit ano pa minsan sabihin ng critics pero kung entertaining naman, deadma. I have yet to see the 3rd of the HP series pero am set on finding the time to watch it real soon.
are you coming to WP meetup at UPdil?
lumipat ka na sa WP.
I know you have lots of connections, please help us invite more people to join the meetup. mas marami mas masaya.
nagustuhan ko rin. ewan ko ba sa kanila. gusto nila puro entertainment lang. ayaw na nila ng substance.
ako din kakanood ko lang ng HP3 nung Friday, pinauna ko muna manood ang madaming tao kasi ayokong makigulo. nabasa ko na rin ung book pero matagal na yun kaya hindi ko na mashadong matandaan ang details ng kwento. pero ok nmn para sakin un movie, madami akong nabasa na negative comments about the 3rd HP film, kesyo dahil iba na ang director. sabi nga dun sa isang review na nabasa ko, “change” ang keyword sa 3rd HP film kasi ang laki daw ng pinagkaiba and i think tama nga. sa 1st two, paglabas ko sobrang amazed ako sa movie, yung bang tipong wish ko sana witch ako at may magic. hehe. for the 3rd one, nagustuhan ko ung changes kasi parang refreshing ang dating. at saka ok din ung length, not too long, not too short. na-miss ko nga lang ung dating hogwarts sa movie, at lalo na ung hogwarts express, parang pumanget. hehe. at, pansin na pansin ko na yung ibang characters wala nang english accent, or hindi mashado halata, at na-miss ko un kasi natutuwa ako sa aspect na un ng movie.
although sabi ng sis ko, may mga events na hindi synchronized dun sa movie, magkaiba kasi ang book at movie, so freedom ni alfonso cuaron as the director to make his own interpretation basta wag sobrang layo sa kwento. and i think he pretty much did a good job. tsaka, light lang kasi tlga ang HP and the Prisoner of Azkaban, kasi dun lang wala si Voldemort. 🙂
hello ederic
buti ka pa at napanood mo na ung harry potter
oh well.. gusto ko kasi sana ikumpara ung movie sa libro.. hehe..
[red_door8]