“Babae” ng Inang Laya ang isa sa mga paborito kong awitin para sa mga Filipina. Ang kantang ito, na ang sumulat at composer ay si Mon Ayco, ay isang hamon sa mga babae: pananatilihin ba nila ang umiiral na pagtingin sa mga babae bilang mahina, passive, at naghihintay lamang na akayin naming mga lalaki?
O gagayahin ba nila ang mga bayaning Filipina na hindi natakot na kumilos hindi lamang para sa sarili, kundi para din sa pambansang paglaya?
Sa kabila ng sinasabing patuloy na pag-unlad ng pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, sa mga panahong ito ng sunod-sunod na panggagago sa bayan at lumalalang banta sa kalayaan ng mga mamamayan, nagiging makabuluhan ang awiting ito.
Sa kanta, nabanggit ang mga sumusunod na Filipina bilang modelo ng mga babaeng lumaban:
- Maria Josefa Gabriela Carino Silang (March 19, 1731 – September 29, 1763) – Pinamunuan niya ang paghihimagsik ng Ilokos laban sa mga mananakop na Kastila matapos pagtaksilan ng mga kaibigan at mapaslang ang dating lider, ang kanyang kabiyak na si Diego Silang.
- Teresa Ferraris Magbanua (October 13, 18763 – August 1947) – Filipinang namuno sa mga sundalo nong Digmaang Pilipino-Amerikano. Sumuko siya noong 1900. Noong panahon ng pananakop ng mg Hapones, ibinenta niya ang kanyang mga ari-arian upang suportahan ang mga gerilyang Pilipino.
- Melchora Aquino (January 6, 1812 – March 2, 1919) – Sino’ng hindi nakakakilala kay Tandang Sora, ang Ina ng Katipunan? Kinupkop niya ang mga sugatang Katipunero at ang tahanan niya’y naging hideout nila. Nang malaman ng mga Kastila ang kanyang mga ginagawa, ipinatapon nila siya sa Marianas. Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1898.
- Lisa Balando – Isang probinsiyanang naging organizer ng mga manggagawa noong panahon ng diktaturyang Marcos. Pinamunuan niya ang kauna-unahang welga sa Rossini’s Knitwear and Winter Garments sa Caloocan. Dumalo siya sa mga martsa’t demonstrasyon ng mga manggagawa. Isa siya sa mga napatay nang pagbabariln ng mga ahente ng rehimeng Marcos ang mga manggagawang nag-rally noong Mayo 1, 1971.
- Liliosa Hilao – patnugot ng Hasik, ang pahayagan ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; kasapi ng Kabataang Makabayan at College Editors Guild of the Philippines; at kandidato sa pagka-summa cum laude. Isa siya sa mga unang dinakip at pinaslang matapos ideklara ang Batas Militar. Ginahasa siya at namatay sa kulungan sa kamay ng mga militar.
- Ma. Lorena Barros – aktibista, makata at mag-aaral ng anthropology sa Unibersidad ng Pilipinas, naging founding chair siya ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan noong panahon ng First Quarter Storm. Naging gerilya siya ng New People’s Army at namatay sa laban noong March 24, 1976.
Narito ang buong lyrics ng “Babae” :
Babae
Inang LayaKayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban, kaapiha’y bakit iniluluha
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?Kayo ba ang mga Cinderella, na ang lalaki ang ang tanging pag-asa
Kayo nga ba ang mga Nena, na hanapbuhay ang pagpuputa
Mga babae, kayo ba’y sadyang pangkama?Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog inyong isipan at tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?Bakit ba mayroong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa, sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumayaBakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka, at ngayo’y marami ang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumayaAng ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog inyong isipan at tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka, at ngayo’y marami ang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumayaMga babae, ang mithiin ay lumaya.
Iilan lamang ang mga Filipinang nabanggit sa kanta, ngunit napakarami pang silang tumindig at lumaban sa iba’t ibang yugto ng ating kasaysayan.
Ang post na ito ay lahok ko sa Filipina Writing Project ng Digital Filipino. Ang proyekto ay sponsored ng Barangay.ph, Kababayan.ph, MyUSMailbox.com, RegaloService.com, Acclaim Butterflies, at Chikka.com.Sources and related links:
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
April 15, 2024
‘2024 IU H.E.R World Tour Concert’ in PH on June 1
IU is set to grace Philippine shores again!
March 27, 2024
Pia Wurtzbach’s wax figure now in Madame Tussauds Singapore
She's the first Filipino to have a Madame Tussauds wax figure.
September 20, 2023
Invitation from Kim Bum
Kim Bum will be in Manila on September 22 and in Cebu the next day.
meron pa kayo chords ng babae ka title niya..??
Hello, i think that i saw you visited my website thus i got here to ?go back the want?.I am trying to find issues to improve my site!I suppose its adequate to make use of some of your concepts!!
Excuse me Pedro Honasan. Paki-ayos po ang ingles, keri? Kung maka-comment naman si Kuya… mag-aral po muna kayo ng ingles bago mag-comment in english. Filipinos, not Pilipino and the verb “are” needs a plural subject ok? Actually, you’re the bitch! Simpleng ingles lang, ‘di pa ma-gets.
Hahaha! Eextra pa si pedro honasan..pasikat lang. Buti binara ka na ni gabby dahil pag ako ang pumatol sayo pati tagalog mauubusan ka.
fuck you all!!!pilipino are son of a bitch they suck!!!
Chords (revised) :
Intro : Cm
Main Theme :
Cm
Fm – Cm
Ab – G, G7
Pasensiya na mga kabayan, yung’ chords hindi nag-regisster yung tamang “spacing” sa word processor ng i-paste ko dito sa blog. Paki-tama na lang sa tamang lyrics sa pag-tugtog ninyo. Pasensiya na.
Babae
Inang Laya
Intro : Cm
Cm
Kayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa
F Cm
Na di marunong na lumaban, kaapiha’y bakit iniluluha
Ab G G7
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?
Cm
Kayo ba ang mga Cinderella, na ang lalaki ang ang tanging pag-asa
F Cm
Kayo nga ba ang mga Nena, na hanapbuhay ang pagpuputa
Ab G G7
Mga babae, kayo ba’y sadyang pangkama?
Cm
Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
F Cm
Pa’no nahubog inyong isipan at tanggaping kayo’y mga libangan
Ab G G7
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?
Cm
Bakit ba mayroong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora
F Cm
Na di umasa sa luha’t awa, sila’y nagsipaghawak ng sandata
Ab G G7
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya
Cm
Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
F Cm
Na di natakot makibaka, at ngayo’y marami ang kasama
Ab G G7
Mga babae, ang mithiin ay lumaya
Cm
Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
F Cm
Pa’no nahubog inyong isipan at tanggaping kayo’y mga libangan
Ab G G7
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?
Cm
Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
F Cm
Na di natakot makibaka, at ngayo’y marami ang kasama
Ab G
Mga babae, ang mithiin ay lumaya
Ab Cm
Mga babae, ang mithiin ay lumaya.
Chords : Standard Tuning
Intro : Cm
Main Theme : Cm-F-Ab-G,G7
sana,bumangon ang mga modelong kababaihan na hindi papayag maging instrumento ng lumalalang porno,mga kapatid, babae tayo na may dangal,pakiusap tumayo tayo bilang magandang ehemplo sa ating mga anak,at magiging mga anak,hindi kahihiyan sa bansang Pilipinas….Ang makabagong pinay handang tumayo at taas noo kahit kanino,salamat sa pagpapahalaga sa mga kababaihan….
i used to hear this song since my childhood years mga 1990s. kasi may pagka-aktibista tatay ko noon.hehehe. bukas kasi isip non -nabuksan sa UP.Ang mga tapes ng tatay ko ay inang laya, heber bartolome, asin etc. maganda naman kasi at salamin ng katotohan. itong babae ok pa ang beat danceable hehehe.
Mabuhay ang mga babae!
hello! kinuha ko yung lyrics ng song kasi kailangan ko sa gender class ko. we used to sing it in rallies. i still find it relevant but they don’t sing it anymore. di pa rin nakakalaya ang mga kababaihan kaya dapat kantahin ng kantahin.
nga pala, kelangan ko ng tape. where to buy it?
Hello! Nasaan si Prinsesa Urduja
does anybody know the chords of the song? pls send me. tnx!
[…] Babae […]
[…] Babae […]
[…] Babae […]
[…] Babae […]
[…] Babae […]
[…] Babae […]
[…] Babae […]
[…] Babae […]
@jhay: Sana nga, higit pa sa sayaw and marating ng kanta.
@mitsuru: Mukhang di ko na ito naabutan sa mga rally.
kinakanta ito sa mga rally sa bikol noon kasama ng mga kanta ng Inang Laya atbp. 🙂
Una kong narinig ang kantang ito nang ako ay hayskul pa lang. Sinayaw ito ng lahat ng mga babaeng estudyante na noon ay mga 2nd year pa lang. Sila ay nakasuot ng iba’t-ibang propesyon tulad ng pulis, nurse, guro, duktor, abogado, atbp.
Nakakatuwang panoorin at pakinggan, na sana nga ay hindi lang sa sayaw na iyon natapos ang mensahe ng kanta.
Tuloy ang pakikibaka ng mga kababaihan.
@Alex: Salamat sa comment. Idinagdag ko na yung added info at correction, at isinama ko rin yung credits sa Bulatlat na source ng info. 🙂
@Ambo: Salamat. :p
Nice entry kapatid. Buti’t nakahabol ka sa patimpalak na ito. Mabuhay ka Ederic!
Hi, Ederic! Kung daragdagan pa ng update ang entry na ito, puwedeng banggitin din na ang sumulat at nag-compose ng kantang “Babae” ay si Mon Ayco, na noong panahon ng Batas Militar ay nakilala bilang si Ka Arting. Y’ong iskuwelahan nga pala ni Liliosa, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. 🙂
Benj, yung mga nabanggit pa lang sa kanta ang isinama ko. Will update it later. 🙂
Nasan si Prinsesa Urduja? hehe