Pinag-uusapan ngayon sa social media si Ernest Leigh Bahala, isang Pilipino sa New York. Nagpost siya sa Facebook ng larawan kasama si Vice President Leni Robredo. Pero ang post niya, tila may kasamang pang-iinsulto.
Sabi niya sa isang post: “Inaantok ako Madam.” Kasunod noon ay ang pagbanggit ng brands ng mga mamahaling bag. May dalang Balenciaga ang pangalawang pangulo. May bitbit din siyang paper bag ng Hermès, na iniabot lang daw sa kanya ng isang Pilipino.
Nasa New York ngayon si VP Leni at ang kaniyang mga anak dahil dumalo sila sa graduation ng bunsong si Jillian Robredo sa New York University.
Samantala, nagpost din Si Ernest Leigh Bahala ng picture ni VP Leni at ng kaniyang mga anak sa train station at sa loob ng train. Sabi niya sa caption: “Nag SUBWAY TRAIN sa New York City ang NANAY Niyo.” Sinundan niya ito ng emojis at hashtag na #kaKAMBINGS. Sa isa pang post, naka-Victory sign si Ernest Leigh katabi ang dalawang babaeng naka-Laban sign.
Tingnan ang screenshots ng posts ni Ernest Leigh na ipinost naman ni Jad Dela Cruz:
Habang isinusulat ito, trending na sa Twitter ang Ernest Leigh. May nagpost din sa Twitter ng kaniyang buong pangalan at address.
Bakit, Ernest Leigh?
Mahirap maintindihan kung bakit nagpalitrato pa si Ernest Leigh kay VP Leni para lamang makapang-uyam. Bakit kaya malakas ang loob niyang gawin ‘yon sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas? Ano kaya ang gusto niya? Ano ang trip niya sa buhay?
Hindi na makita ngayon ang Facebook profile ni Ernest Leigh. Pero dahil sa mga post niya, pati ang kanyang public social media accounts gaya ng Flickr niya, ay nahanap na rin ng ilang netizens.
Base sa profile picture ni Ernest Leigh Bahala sa Facebook, mahihinuhang tagasuporta siya ni dating Senador Bongbong Marcos.
Lamang sa bilangan ngayon si Marcos, pero nakapagtataka ang ikinikilos ng mga supporter niya.
Noong isang araw, isang piloto ng Cebu Pacific, si Van Ranoa, ang nagpost ng imbentong kuwento tungkol kay VP Leni. Itinanggi ng Office of the Vice President ang haka-haka ni Ranoa. Na-trigger ang piloto sa picture ni VP na nagpaplantsa ng toga ni Jillian. Gusto niyang palabasin na plastik ang pangalawang pangulo, pero nabisto ang fake news niya. ‘Yon nga lang, marami na ang nauto nang kumalat ang post niya.
Samantala, naging meme naman ang post ng pula ang profile photo na si Melinda Barlis. Kinukuwestiyon kung bakit kailangan daw kunan ng litrato ang pag-graduate. Aniya, “Yeah, i get it. Gragraduate ang anak ,but the point is need pa bang picturan?”
Sa kabila ng napipintong tagumpay ng kanilang kandidato, ayaw tantanan ng mga tagasunod ni Marcos si VP Leni Robredo. Para silang mga Diehard Duterte Supporter na nanatiling nasa campaign mode sa buong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…