Gaya ng maraming kabataan ng dekada 90, naging bahagi ng aking mga karanasan ang mga awitin ng Eraserheads. Minsan ko nang naisulat na “ang mga awitin ng banda ay parang soundtrack ng aking buhay, lalo ng ng aking college life: ‘Minsan’, ‘Sembreak’, ‘Pare Ko’, ‘Yoko’, ‘Overdrive’, ‘Harana’, ‘Para sa Masa’, ‘Tuwing Umuulan at Kapiling Ka’, at marami pang iba.”

Kapag naririnig ko ang kanilang mga kanta, sinusundo ng himig at tinig ng E-heads ang mga alaala ng aking buhay sa Unibersidad ng Pilipinas: ang Kalayaan Residence Hall at mga nakabarkada ko rito, ang mga bakasyon, ang nangagkawala nang college friends; ang masaya ngunit puno ng pakikibaka, makulit at magulong mga kuwentong Peyups; ang mga gunita ng ‘good old days’.

Kaya naman ngayong ipinagdiriwang ang sentenaryo ng UP, isa ako sa mga naghahangad na makitang muling tumugtog nang magkakasama sina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro, na pawang mga taga-UP rin.

Nang mag-post ako sa UPAlumni.net ng download link para sa UP centennial song, ang “UP, Ang Galing Mo!”, sabi ko’y “Naisip ko lang, kung buo pa kaya Eraserheads, sila kaya ang gagawa ng ganito?”

Bago ko pa maisip iyon, noong Disyembre ay nag-post sa Peyups.com ang cyberfriend kong si Erwin Rafael ng ganito:

Pero nung mabalitaan ko na magkakaroon ng UP Centennial concert, napahiling ako na sana, kahit sa nag-iisang gabi lang na iyon, ay magsama-sama muli at tumugtog ang Eraserheads. Maraming bandang nanggaling sa UP, pero ang Eraserheads lang ang banda na automatic na ineequate agad sa pamantasan natin. Naalala ko pa dati na tuwing may nagtatanong sa akin kung saan ako nag-aaral at ang sinasagot ko ay “UP”, halos sigurado na itatanong sa aking susunod ay “E di napapanood mo ang Eraserheads?”


“Kulang kung wala sila,”
ayon naman kay Prof. Teodore Te sa kanyang blog:

The centennial tag line is “UP, ang galing mo!” Very apt indeed for the boys who simply wanted to play and sing their own songs, reflective of countless generations of iskolar ng bayan who simply forged ahead, fueled by their dreams of making a difference for their country and their people and, in the process, making an impact, influencing lives, thought and action by simply being who they were trained to be: UP graduates.

Lumipas na ang mismong araw ng senternaryo at naganap ang centennial concent — sa Cultural Center of the Philippines, at di sa UP Diliman campus gaya ng inakala ko — pero walang nangyaring Eraserheads reunion.

Ngunit nitong mga nakalipas na linggo, di pa rin namatay-matay ang isyu ng muling pagsasama-sama ng Eraserheads. Yun pala, may magaganap talagang Eraserheads reunion sa Agosto. Tatalakayin ko ito sa susunod na post.

Manonood ba kayo?

Larawan mula sa the e-site


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center