Dan Campilan sa Newsroom | Photo courtesy of Ahd MarcoDan Campilan, 25, Kapuso, passed away last Saturday, October 7, 2006 after his car collided with a passenger bus in Quezon City. His brief but meaningful life will always serve as an inspiration.

Si Danifel M. Campilan, katrabaho, Kapuso, kasama.

Kahit di kami laging nagkakausap sa opisina, dati’y kinukulit-kulit ko si Dan–pati ang iba pang mga reporter–na magpasa na ng kanyang profile para sa website ng aming kumpanya. Hinikayat ko rin siyang sumagot sa mga mensahe ng kanyang mga tagahanga sa Kapuso forums, na masigla naman niyang ginawa.

Isang linggo pa lamang ang nakalilipas ay kausap ko siya at ang isa pa naming katrabaho. Iyon ang mga oras na relaxed na ang karamihan sa amin matapos ang isang araw ng pangangalap at paghahatid ng balita–yung panahong patapos na ang aming evening newscast. Ang paksa ng maikling umpukan namin ni Dan: ang katigasan ng ulo ng aming mga buhok na mahirap mapasunod. “Mas malala” raw ‘yung sa akin, ‘ika niya.

Sinong mag-aakalang ilang araw matapos ang usapang iyong tungkol sa munting kababawan ng buhay ay biglang mamamaalam si Dan, na isang mapagkalingang anak at kapatid at masayang kaibigan para sa kanyang mga mahal sa buhay?

Minsang pinag-uusapan namin ni Mhay ang mga kasamahan naming reporter, sabi ko’y isa si Dan sa mga gugustuhin kong makitang magtagumpay. Tulad ko, laking bukid din si Dan. Lagi kong sinasabi na kung di ako nakapasa sa entrance exam sa Unibersidad, siguro’y naggagamas ako ng damo o kaya’y nagpapakain ng kalabaw sa maliit na lupa ng lolo at lola ko. Samantala, ang sagot ni Dan sa tanong na kung wala sa media, ano kaya ang magiging career niya:

“Siguro nasa field ako ng information technology kasi yun ang kurso ko. Siguro din magsasaka ako kasi yun ang pangarap ko noon para tulungan ang aking mga lolo’t lola sa pagtatanim ng mais sa probinsya. hahaha. Ang babaw lang ng mga pangarap ko. Kahit ngayon I still want to become a farmer pero siguro pag nag-retire na kasi kailangan ko kumita. hehehe,” ang isinulat ni Dan.

Si Dan ang sumusuporta sa kanyang mga magulang at nagpapaaral sa kanyang limang mga kapatid. Nakapagpundar na nga siya ng isang munting tindahan para sa kanyang nanay at tatay. Tungkol sa pagiging breadwinner niya, sabi ni Dan: “Masaya naman at isang fulfillment sa buhay kasi nakikita mo mga kapatid mo na nakapagtapos sa pag-aaral.”

Kinailangan nga ni Dan na kumita para sa kanyang pamilya. Ngunit batid nating lahat na sa kabila ng kadalasa’y glamorosong estadong ikinakabit sa pagiging mamamahayag, hindi ito ang pinakamabisang paraan para kumita nang malaki, lalo na sa para sa mga bata at nagsisimula pa lamang na tulad ni Dan.

Naniniwala akong hindi binitiwan ni Dan ang simulaing makapaglingkod na nasimulan niya bilang aktibista at mamamahayag pangkampus sa Cebu Institute of Technology, kung saan siya naging DOST scholar. Sa kanyang mga ulat, binigyang-tinig ni Dan ang mga pangkaraniwang tao gaya ni Juliet Chavez. Wika nga ng isang kasapi ng Kapuso Forum sa kanyang mensahe kay Dan, ” Thank you for the sacrifices that you made just to tell the rest of the Filipino people what is actually happening around us and putting your life on the line to do public service. I believe that you wouldn’t be a reporter if you didn’t have love to our country and its people.”

“We will surely miss Dan Campilan. His untimely death is a great loss for the broadcast industry as well as the people’s movement he belonged to and covered with great interest,” wika naman ng Bagong Alyansang Makabayan.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Ma’am Jessica Soho: sa kanyang paglisan, isang mabuting halimbawa ang iniwan ni Dan: pagsisikap sa kabila ng kahirapan, pagtataguyod sa pamilya, at paglilingkod sa bayan.

=====

Reporter with a heart (and the discoverer of an unlikely teargas antidote) by Howie Severino


Para kay Danifel
by Myla Torres

Tribute to Dan Campilan, Journalist and Activist by Renato Reyes, Bayan

Youth, students express deepest grief on death of GMA reporter Dan Campilan


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center