Kailan ka unang nag-online? Paano ka nagkaroon ng e-mail address? Hotmail ba o Yahoo? O baka naman Tinig.com e-mail? Natatandaan mo pa ba ang pinakaunang e-mail address mo? O ‘di ka pa nagbabago? Sa kagaya kong naka-isandaang palit na yata ng e-mail address, nakaka-senti ang pagbisita sa inbox ng aking pinakauna.
Nagsu-surf pa ako noon sa SesiNet internet cafe sa Philcoa, sa bukana ng UP Diliman campus. Madalas ko pa ngang puntahan noon ang www.clairedanes.com. Nang minsang nagsa-sign up sa isang ‘di ko na matandaang online service, bad trip ako dahil wala akong e-mail address. Syempre, matulungin ang mga taga-SesiNet. Wala pa raw ba akong e-mail address? Wala pa kako. Siyempre’y iniisip ko pa noon na may bayad ang pagkakaroon nito, o mahabang proseso.
Ngunit tuwang-tuwa ako nang sabihin niyang puwede naman daw libre. Ang katapusan ng istorya, nagkaroon ako ng e-mail address, sa Mailcity.com na ngayo’y Lycos.com na. Ang saya nun. May e-mail address na ako! Yehey! Agosto 6, 1997 yun. Galing sa Mainquad.com, isang community site for college students na ngayo’y ‘di na yata gumagana, ang isa sa mga pinakaunang e-mail na natanggap ko. Mayroon pa ga yatang gumamit ng e-mail ko–di ko alam kung sinadya o hindi–pagkat nakatanggap ako ng pangungumusta mula sa mga taong hindi ko kakilala at halatang para sa ibang tao ang mensahe nila. Ito rin ang naging regular na daan ng kumustahan namin ni Cherisse, ang pinakaunang cyberfriend ko. Marami pa akong mga naka-e-mail, kabilang ang kaTinig ko na ngayong si Rey.
Nakakasenti rin ang mga e-mail ko kina Ate Marla, ang kabilang sa wind beneath our wings sa buhay-UP naming mga Jardine Davies scholars. Bukod sa mga taga-Collegian, may natanggap pa akong e-mail sa dating pakanta-kanta lang sa Internet cafe sa UP na si Johnoy na ngayo’y sikat na vocalist na ng bandang Bridge–mukhang may nakigamit ng kanyang account.
Sa address ko ring ito kami regular na nakapagtalastasan ng dati kong kaklase, ang magandang si Thea. Nang pumunta siya sa US, naging cyberfriends kami. Yun nga lang, nang bumalik na siya sa Pinas at nakikumusta na ako, ang sabi ba nama’y may katipan na raw siya–miyembro ng pinakakilalang frat sa UP. Ah, okay, heheeh!
Buhay pa ang mga lumang messages ko. Halos pitong taon na ang mga iyon, at wala akong balak na i-delete. Kung gusto ninyong mapasama sa kasaysayan ng aking cyberlife, padalhan lang ako ng e-mail sa account na iyon: ederic[at]mailcity[dot]com.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 1, 2024
Converge and the promise of AI
Converge uses artificial intelligence to enhance customer experience.
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.
February 29, 2024
Converge paints the nation purple, boosts fiber internet plans
FiberX Plan 3500 is now 1 Gbps!