Francis Magalona, 44

Francis Magalona (Photo from Wikipedia)

Francis Magalona (Photo from Wikipedia)

Nang pumanaw si Francis Magalona noong March 6, gaya ng marami ay nagulat at nalungkot ako. Ang inaasahan ko’y mababalitaan na lang nating magaling na siya at naghahanda nang lumabas sa ospital.

Ngunit iba ang nangyari.

Pero sa gitna ng pagluluksa ng bansa, lalo namang nangibabaw ang impluwensiya ni Francis M sa henerasyong ito.

Binaha ng comments ang kanyang blog at napakarami ng nag-search ng pangalan niya sa Web.

Kahit saan ka pumunta, maririnig ang kanyang mga awitin, lalo na ang Kaleidoscope World — sandaang libo ang nakikanta nito sa pinakahuling concert ng Eraserheads.

Sa mga mensahe ng kanyang mga kaibigan at tagahanga, mababasa ang pasasalamat sa inspirasyong ibinigay niya. Napanood ko rin sa Eat Bulaga kung paanong may mga kabataang dati’y walang magawa, ngunit nagkaroon ng direksyon ang buhay mula nang matagpuan ang kanyang uri ng musika — ang rap.

Continue reading

Ang Pinoy, kapag nabastos…

Kilala tayong mga Pinoy dahil sa pagiging maasikaso sa mga bisitang dayuhan. Pero paano kapag ang dayuhan ang iba ang trato sa atin sa mismong bayan natin? Siyempre nakakapikon. Ganyan ang reaction ng mga taga-PinoyExchange sa kuwento ng isang PExer ang nagrereklamong sinungitan daw ng isang Italyanong restaurant owner sa Boracay.

Kung gusto ninyong basahin, narito ang discussion thread sa PinoyExchange. Salamat kay aajao, na nagbahagi ng link.

PETA’s theater-in-education courses

The Philippine Educational Theater Association (PETA) has announced that it is offering five-day courses on the use of creative means to teach.

Aside from offering regular theater and arts courses, PETA has also pioneered the Theater-in-Education (TIE) Courses to make classroom teaching more interesting and engaging by introducing creative means of teaching for regular subjects like Mathematics, English, Filipino, Science, etc.

Enrollment is still going on for the following classes:

Continue reading

I-Witness: Alamat ng mga puting Mangyan

“ALAMAT NG MGA PUTING MANGYAN”
(Myth of the White Mangyans)

An I-Witness documentary
Airing Monday at midnight: January 28, 2008
GMA-7 (delayed by a day or two on Pinoy Tv overseas)

Howie Severino travels to Mindoro to investigate the legend of “lost tisoys,” a tribe of Mangyans called Olandes, mountain people in Mindoro descended from shipwrecked Dutch sailors.

Various people give conflicting accounts, including a scholar who proclaims that the “white Mangyans” are a myth, along with other popular beliefs such as Mangyans with tails.

But are the white Mangyans really a myth? In a Mangyan tiangge in the remote village of Bait, Howie is told of Mangyan tisoys in the local high school. He finds them there and learns they come from a mountain community called Panaytayan.

But it is not what he expected. Continue reading

Ang mga CD ni Sir Monico Atienza

Noong naglilipat ako ng mga gamit papunta sa bagong silid ko, inayos at nilinis ko ang koleksyon ko ng CDs at DVDs. Kabilang sa mga nakita kong CDs at VCDs ay yung may lamang materials tungkol sa First Quarter Storm na ipinahiram sa akin ni Prof. Monico Atienza.

Noong isang taon ay kinapanayam ko si Sir Nick sa pamamagitan ng email (tingnan ang Si Sir Monico Atienza at ang Kanyang mga Alaala ng First Quarter Storm) para sa isang story pitch na ginagawa ko sa opisina.

Continue reading

Pangangaluluwa vs. trick or treat

Ngayong sa Maynila na ako namamalagi, may mga nababasa at naririnig ako tungkol sa mga batang anak-mayaman at middle class na nagti-trick or treat kapag Halloween.

Pero noong nasa Marinduque ako, wala sa bokabularyo ko yang trick or treat na ‘yan. Ang meron sa amin ay ang pangangaluluwa. Parang karoling kung Pasko, pero ginagawa sa gabi kapag Undas (o Undras). Kakanta ang mga nangangaluluwa, at dapat ay bibigyan sila ng pera ng mga nasa bahay na tinapatan at kinantahan nila.

Ganito ang kinakanta nila (ang eksaktong lyrics ay nakuha ko sa blog ni Sir Roland Tolentino):

Continue reading

Mga talumpating ninenok

Napapadalas ata ang paggamit ko ng salitang balasubas sa blog na ito ah. Kung na-high blood ako sa nanlait sa mga kababayan ko, aba’y parang ganoon din sa isang wari nangnenok sa gawa ng isang kapwa-blogger ko.

Kakakita ko lang noong isang araw sa post ni Connie Veneracion tungkol sa pangongopya ng Manila Bulletin sa recipe niya. Ngayong gabi, ipinabasa sa akin ni Vernon Totanes ng Filipino Librarian ang kanyang bukas na liham para sa isang Cristina Santos Canonigo, nakatalang may-akda ng aklat na Talumpati! Talumpati! Talumpati! Book One: Pantulong sa mga Guro’t Mag-aaral, na gumamit sa kanyang mga salin nang walang pahintulot.

Naalala ko tuloy ang post ko dati tungkol kay Keiko at iba pang Cybermagnanakaw. Kawawa itong si Keiko. Dinale siya ng galit na bloggers. Kung ako si Cristina Santos Canonigo, kakausapin ko kaagad si Vernon. Aba, mahirap nang ma-Malu Fernandez!

Eto pala ang buong teksto ng bukas na liham ni Filipino Librarian:

Continue reading

Bahala na

Sabi ko kay Aileen kahapon, baka mas bagay ang “Bahala na” sa halip na “Sinusuwerte ako” sa pangalawang button sa Google Pilipinas homepage.

Ganito ang paliwanag ng Google tungkol sa “I’m Feeling Lucky”:

Google has a function, “I’m Feeling Lucky” that presents a particular translation challenge. The function takes the user immediately to the first result for a search — so, a user selects “I’m Feeling Lucky” when they are willing to take a chance that Google’s first result will be what they are looking for. The phrase in English has a specific tone — daring, confident, and playful. This has been a hard phrase for people to translate. If you can’t come up with a way to translate this phrase while preserving its tone just leave it in English.

Continue reading

Talanding panahon

Sa amin sa Marinduque, naririnig ko ang mga salitang “talanding panahon”. Ang “talandi” ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong–kadalasa’y babae– maharot. Kung sa Tagalog dito sa lungsod, ang kasingkahulugan nito ay malandi.

Kaya ang “Yano ka, ee. Napakatalandi mo baya!” sa amin ay maisasalin bilang “Grabe ka! Ang landi-landi mo talaga!”

Ang nakakaaliw, ang salitang talandi ay maaari ring ikabit sa panahon. Ang pabagu-bagong panahon–gaya ng bigla at magkasunod na pag-araw at pag-ulan ay “talanding panahon.” Continue reading

Disenyong Pilipino

Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disensyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.

Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan. Continue reading