Lagom

‘Yan ang pangalan ng bagong theme nitong blog ko. Salitang Swedish daw iyan, at ang singkahulugan sa Filipino ay sakto. Nang makita ko ito, naisip kong parang sakto ito sa blog ko.

Likha ni Andreas Vicklund ang theme at binago ko lang nang konti. Ayos ba?

Magsusulat

“Kailangang magsulat…”

Dalawang oras na ang nakalilipas mula nang i-post ko iyan sa social network sites ko, pero di pa rin ako nakakapagsimula. Gusto ko kasing magbasa muna bago magsulat. Kaya’t binasa (o in-scan) ko ang diyaryong binili ko kanina, binalikan ang mga nakabinbing email, at nagbasa ng blog ng isang kaibigan.

Continue reading

Feb 25 Blog Action Day: Real Heroes of EDSA

Kabataan Partylist's Feb 25, 2010 Blog Action Day on the Real Heroes of EDSABilang bahagi ng paggunita sa 1986 EDSA People Power Revolt, inaanyayahan ng Kabataan Partylist ang mga kabataang blogger sa isang blog action day sa Biyernes, Pebrero 25, tungkol sa mga tunay na bayani ng EDSA — ang mga karaniwang tao gaya ng ating mga kapamilya.

Magandang sumali sa gawaing ito upang makatulong tayo sa pagbubuo ng kolektibong kasaysayan ng EDSA 1 mula sa pananaw ng mga di-sikat na taong sumama sa pagbawi ng ating kalayaan mula sa diktaturyang Marcos.

Ang lagi kasi nating nababasang mga tala ng EDSA 1 ay galing sa mga kilalang historyador, pulitiko, peryodista, at iba pang mga personalidad. Ngayon — salamat sa Internet at blogging — maaari na nating isalaysay ang mga pangyayari noon mula sa alaala at perspektiba ng mga taong malalapit sa atin.

Continue reading

Balik-blogging

Na-interview ako nitong nakalipas na linggo sa isang TV station dahil sa aking pagiging blogger at editor ng Tinig.com. Medyo nahiya naman ako sa mga taong naliligaw rito at sa Tinig dahil laging walang bago. Tapos kagabi, related sa blogging ang panaginip ko.  Kanina naman nagkita kami ng isang blogger-friend — na naging kaibigan ko na rin sa tunay na buhay — kasama ang kanyang asawa. Kailangan ko na ngang magbalik-blogging kahit masyadong okupado sa trabaho.

Nauna ko nang tinanggal ang paid ads dito sa blog na ito. Ngayon naman, siguro’y babalik ako sa journal-style para mai-record ang mga karanasan ko sa bawat linggo gaya ng ginagawa ko noon. Siyempre, di pa rin naman mawawala ang mga komentaryo ko sa iba’t ibang bagay.

Nariyan pa ba kayo?

Ano ang kontribusyon natin sa paglaban sa climate change?

Blog Action Day 2009 PilipinasUmabot pa sa 11th hour ng Blog Action Day itong post ko.

Climate change
ang umuugong na paksa sa blogosphere sa araw na ito. Nagbabago ang klima dahil sa pag-init ng daigdig (global warming), na dulot naman ng pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang gasses. Nangyayari to dahil sa patuloy at malawakang paggamit ng fossil fuel bilang pinagkukunan ng enerhiya.

Ayon sa PAGASA, ang naranasan nating malaking baha sa Kamaynilaan na dala ng bagyong Ondoy ay epekto na ng pagbabago ng klima. Naulit ang trahedyang dala ni Ondoy nang rumagasa naman ang bagyong Pepeng sa hilagang Luzon.

Kung ganitong masama ang epekto ng climate change sa atin, ano ang maaaring gawin ng mga karaniwang taong gaya natin para mapigilan ito? Sa unang tingin, iisiping ang pananagutang pigilan ito ay nasa malalaking mga bansa at mga korporasyon at mga mamamayan ng mga bansang ito. Sila kasi ang matinding gumamit ng enerhiya ng mundo.

Continue reading

2009 Philippine Blog Awards

Kagabi, sa unang pagkakataon ay nakadalo ako sa Philippine Blog Awards. Kasama ko ang mga katrabaho kong sina Jonas at Erwin. Dahil medyo natrapik, nagsisimula na ang pagbibigay ng awards nang makarating kami.

Congratulations sa mga nanalo, lalo na sa cyberfriends kong sina Jaemark ng FireQuinito.com (best sports blog); Jaypee of JaypeeOnline (best technology blog); the Professional Heckler (best humor blog); Marck ng Marocharim Experiment (best commentary blog); at Mica ng Micamyx.com (bloggers choice awardee).

Continue reading

Jacque Bermejo

Ilang araw ko nang gustong magsulat tungkol sa kuwento ni Jacqueline Bermejo, isang OFW sa Dubai na dahil sa hacked social network accounts ay kinasuklaman ng maraming kababayan sa Internet. Nang magkalinawan, inosente pala — at isa pa ngang biktima — si Jacque.

Isang araw matapos palubugin ni Ondoy sa baha ang ilang bahagi ng Kamaynilaan, kumalat sa mga social networks ang screenshot ng isang Facebook status update. Ganito ang sinabi raw ng isang Jacque Bermejo: “buti n lng am hir in dubai! maybe so many sinners back der! so yeah deserving what happened!”

Siyempre, nakakagalit yun, di ba? Pero naisip ko rin na dahil sa insentive na comment na yun, kawawa ‘tong taong ‘to dahil malamang, mas matindi pa sa sinapit ni Malu Fernandez ang aabutin niya. At nagkatotoo nga. Habang binabasa namin ni M nang gabing iyon ang Multiply site na nakapangalan kay Jacque, panay ang refresh ng browser. Halos iilang segundo lang ang pagitan ng pagkaka-post mga pagmumura, panlalait, at iba pang atake kay Jacque.

Continue reading

Pagbabalik sa ederic.net

Nasa ederic.net na ang ederic@cyberspace. Paki-update po ang inyong links at bookmarks.

Nabawi ko na kasi ang pinakauna kong domain name pagkatapos ng may limang taon. Matapos na di ko ito ma-renew noong 2004, nagpalipat-lipat ito sa kamay ng mga naging intresado sa halaga ng noo’y maraming incoming links nito. Kamakailan ay binitawan na ang ederic.net ng pinakahuling may-ari dahil sa lumiit bilang ng links papunta rito.

Continue reading