Ang Huling Lagda ni Apolinario Mabini

Ang Huling Lagda ni Apolinario Mabini

May halos isang linggo pa tayo para panoorin ang “Ang Huling Lagda ni Apolinario Mabini,” na inihahandog ng Dulaang UP ngayong ika-150 taon ng kapanganakan ng tinaguriang Konsensiya ng Rebolusyon.

Paano nga ba napapirma sa panunumpa ng katapatan sa Amerika noong Pebrero 26, 1903 si Gat Apolinario Mabini na isa sa mga pinuno ng Rebolusyon? Dahil ba ito sa pangakong wawakasan ang kanyang pagkakatapon sa Dapitan? O marahil ay sa kanyang marubdob na pagnanais na makabalik sa Pilipinas at ang lupang tinubuan ang kanyang maging huling himlayan?

Continue reading

Feb 25 Blog Action Day: Real Heroes of EDSA

Kabataan Partylist's Feb 25, 2010 Blog Action Day on the Real Heroes of EDSABilang bahagi ng paggunita sa 1986 EDSA People Power Revolt, inaanyayahan ng Kabataan Partylist ang mga kabataang blogger sa isang blog action day sa Biyernes, Pebrero 25, tungkol sa mga tunay na bayani ng EDSA — ang mga karaniwang tao gaya ng ating mga kapamilya.

Magandang sumali sa gawaing ito upang makatulong tayo sa pagbubuo ng kolektibong kasaysayan ng EDSA 1 mula sa pananaw ng mga di-sikat na taong sumama sa pagbawi ng ating kalayaan mula sa diktaturyang Marcos.

Ang lagi kasi nating nababasang mga tala ng EDSA 1 ay galing sa mga kilalang historyador, pulitiko, peryodista, at iba pang mga personalidad. Ngayon — salamat sa Internet at blogging — maaari na nating isalaysay ang mga pangyayari noon mula sa alaala at perspektiba ng mga taong malalapit sa atin.

Continue reading

#YellowEDSA

Yellow Yahoos

Laban! Joey Alarilla, Ederic Eder, Thea Alberto, Janie Octia, at Pia Garcia. (Photo by Izah Morales)

Bilang pakikiisa sa pagsisimula ng paggunita sa ika-24 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolt, nagsuot kami ng ilang mga kasamahan ko ng damit na kulay dilaw kanina.

Bukod sa pagpapatugtog ng “Handog ng Pilipino sa Mundo,” “Bayan Ko,” at iba pang mga awit na sumusundo sa mga alaala ng pag-aalsa, nagpakuha rin kami ng larawan habang naka-Laban sign.

Sa Twitter, sinimulan na rin naming gamitin ang hashtag na #YellowEDSA upang tipunin ang tweets tungkol sa Yellow Revolution of 1986.

Continue reading

Sa ika-144

Sa ika-144 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, watak-watak pa rin ang kanyang mga tagasunod.

Kahapon, ang mga rebeldeng sundalong tagahanga niya’y nagprotesta. Kinubkob nila ang Peninsula Manila at nanawagan ng panibagong pag-aalsa. Ngunit iilang dosena ang sumama. Sinundo sila ng mga tangke ng sundalong tapat sa rehimen at nakaposas na binitbit ng mga pulis.

Ang mga elitistang galit kay Gloria, naglalaro ng golf nang pumutok ang balita.

Kanina, inalala ng mga aktibista ang kaarawan ng Supremo. Wala sila sa mga kalsada kahapon sa kabila ng panawagan. Kanina ang araw nila.

Kanina, naglabas ng pahayag ng suporta at pakikiisa sa mga rebeldeng sundalo ang mga rebeldeng komunista. Atrasado nang isang araw ang reaksyon nila. Continue reading

Andres Bonifacio bilang unang Pangulo

Pangulong Andres Bonifacio (DILG Photo)

Hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang usapin tungkol sa unang pangulo ng Pilipinas.

Itinuturo ng opisyal na kasaysayan — na bunga na kolonyal na edukasyon — na si Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang pangulo. Ngunit may mga historyador, gaya nina Dr. Milagros Guerrero, na nagsasabing si Andres Bonifacio ang tunay na unang naluklok sa posisyong iyan na hanggang ngayon ay pinag-aagawan pa rin.

Ang tungkol sa pagiging unang pangulo ni Bonifacio ay isa sa mga isyung tatalakayin sa susunod na labas ng I-Witness. Nasa ibaba ang article mula sa GMANews.tv:

Continue reading

Babae

Monumento ni Gabriela Silang sa Makati

“Babae” ng Inang Laya ang isa sa mga paborito kong awitin para sa mga Filipina. Ang kantang ito, na ang sumulat at composer ay si Mon Ayco, ay isang hamon sa mga babae: pananatilihin ba nila ang umiiral na pagtingin sa mga babae bilang mahina, passive, at naghihintay lamang na akayin naming mga lalaki?

O gagayahin ba nila ang mga bayaning Filipina na hindi natakot na kumilos hindi lamang para sa sarili, kundi para din sa pambansang paglaya?

Sa kabila ng sinasabing patuloy na pag-unlad ng pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, sa mga panahong ito ng sunod-sunod na panggagago sa bayan at lumalalang banta sa kalayaan ng mga mamamayan, nagiging makabuluhan ang awiting ito.

Sa kanta, nabanggit ang mga sumusunod na Filipina bilang modelo ng mga babaeng lumaban:

Continue reading

Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism

Ferdinand Marcos

Sobrang nasa wish list ko ang librong ito ni Dr. Albert F. Celoza.

Mula nang mabasa ko sa Google Books ang ilang pahina nito habang nagsasagawa ako ng online research tungkol sa batas militar noong isang taon, pinangarap ko nang mapasama ito sa aking library.

Masalimuot ang buong kuwento ng batas militar. Upang lubos itong maunawaan lalo ng mga tulad kong paslit pa noong panahong iyon, kailangang lalo pang pag-aralan ang bahaging ito ng ating kasaysayan.

Sabi nga ni Prof. Luis Teodoro, napakarami pang mga Pilipino ang kulang ang kaalaman tungkol sa batas militar: “About the martial law period they have nothing to remember, and they won’t know it when they see it.”

Continue reading

Martyrdom of a People's Leader

Image from http://www.filipinaslibrary.org.phSa kaarawan ng Supremo, nais kong ibahagi sa inyo itong article na sinulat ng kaibigang kong si Alexander Martin Remollino para sa Bulatlat.com:

Martyrdom of a People’s Leader

To his last breath, Bonifacio was devoted to the main objective of the KKK, which was separation from Spain. Aguinaldo and his clique, in contrast, would not long after yield their arms in exchange for P400,000 and accept exile to Hong Kong and the continuation of Spanish sovereignty in accordance with the Pact of Biak na Bato, in which Pedro Paterno negotiated for the Spanish colonial government.

By Alexander Martin Remollino
Bulatlat.com
http://www.bulatlat.com/news/3-13/3-13-martyrdom.html

Among the more tragic chapters in the history of the Filipino people is the execution of Andres Bonifacio, founder of the Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), which began to wage a revolutionary struggle against Spanish colonial rule in 1896, on Mt. Buntis, Maragondon, Cavite on May 10, 1897.

Unlike Jose Rizal and Macario Sakay, who were executed by soldiers of occupying powers, Bonifacio died in the hands of fellow Katipuneros. This makes his death doubly tragic.

But why did the Supremo, as Bonifacio came to be known among his fellow Katipuneros, have to die — and in such a manner?

Continue reading

Betrayal

From the book “Supremo: the Story of Andres Bonifacio” by Sylvia Mendez Ventura:

A soldier under Lazaro Makapagal revealed to Bonifacio’s boyhood friend and fellow Katipunero, Guillermo Masangkay, that the Supremo was hacked to death with bolos and bayonets. A farmer said he saw five men hacking a man in a hammock.

On May 10, 1897, Emilio Aguinaldo’s men murdered the founder of the Katipunan. Patriot Apolinario Mabini described the assassination of Bonifacio as “the first triumph of personal ambition over true patriotism…”