Disenyong Pinoy at ang 3 Stars & a Sun

FMCCNoong 2005, nagrereklamo pa ako rito sa blog ko dahil sa kawalan ng disenyong Pilipino sa local clothing brands:

Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disenyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.

Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan.

Pero iba na ngayon. Kahit saan ka pumunta, may mga makakasalubong kang may suot na damit na ipinangangalandakan ang ating pagka-Pilipino.

Continue reading

Bench Blackout at mini-EB ni McBilly

Larawan Mula sa Bench website

Larawan Mula sa Bench website

Sa gabi ng Biyernes, Hulyo 25, na ang Bench Blackout, ang denim and underwear fashion show ng Bench. Gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Isa sa mga modelong sasali sa palabas na ito ang Cebu-based blogger na si McBilly, at nais niyang samantalahin ang pagkakataong ito upang makasamang gumimik ang mga blogger na narito sa Kamaynilaan.

Dahil dito, isang bloggers’ mini-EB ang in-organize niya sa Hulyo 27, Linggo — dalawang araw matapos ang Bench Blackout — 7 p.m., sa SM Megamall. Dahil di pa nag-o-offer ang Bench na i-sponsor ang blogger’s EB, KKB muna ito.

Continue reading

8-7000 Jollibee delivery

April 28 ,2009 update: Nagpapa-deliver na ulit kami sa Jollibee. Ilang buwan matapos kong isulat ang entry na ito, umayos na ang services nila. Mas ok na ang phone line, at kadalasan ay on-time na ang delivery. Nang minsang magka-problema ako sa delayed delivery, naging mahusay ang pag-aasikaso ng mga taga-National Bookstore/Quezon Ave branch sa akin. Nung nagkamali ako ng address na ibinigay, matiyaga nilang hinanap ang sa amin, kahit nagpabalik-balik ang rider. Bati na kami ni Jollibee, at nai-enjoy ko na ulit ang Jollibee Regular Yum with Cheese na may hot sauce. 🙂

Hiniram mula sa official Jollibee websiteHindi na muna ako magpapa-deliver sa 8-7000 Jollibee delivery.

Ito’y kahit

Noong Biyernes, hindi ako nakasali sa Yahoo Messenger conference ng Bloggers’ Kapihan dahil nagkaproblema — gaya nang dati — ang delivery ng inorder kong pagkain sa Jollibee.

Continue reading

Goodah!!!

Nostalgia Manila mode muna ako.

Noong Biyernes na gabi, pagkagaling sa opisina ay naglakad lang ako pauwi. Hindi kasi ako agad makaisip ng lugar na makakainan. Lumampas na ako sa tapat ng tirahan ko, kaya’t kako’y sa isang manukan malapit na lang sa amin ako kakain. Nang patawid na ako, saka ko naalala na may Goodah!!! malapit sa doon. Nilakad ko ang direksyon papuntang Goodah!!! Kamuning.

Noong mid-90s at nasa kolehiyo pa ako, kumakain kami paminsan-minsan ng isang kabarkada ko sa Goodah!!! sa Katipunan. Kung hindi ako nagkakamali ng pagkaalala, naisama pa namin minsan ang isang magandang kaklase namin sa Social Work (na nabanggit ko sa post na ito) na noo’y problemado sa puso, at inaliw namin siya sa Goodah!!! O baka naman nag-iimbento na lang ang alaala ko. Kalaunan ay nagsara ang branch na ‘yun.

Continue reading

Nasupalpal

Posted by mobile phone:
Tip para sa mga namimili ngayong Pasko: huwag basta-basta kukuha ng mga larawan ng mga paninda. Baka kayo masupalpal na gaya ko.

Sa isang nakalipas na entry ay binanggit ko ang mga kakaibang disenyo ng pambabaeng brand ng damit na Bayo–kakaiba dahil sa dami ng mga local brand na nagkukunwaring Stateside, may mga disenyo silang Proudly Pinoy na matatawag.

Napadaan kami kanina sa isang tindahan nila at nang tangkain kong kunan ang isang damit na may mga print ng monumento ni Rizal para mai-post dito, pinigil ako ng nagtitinda. Bawal daw kasi.

Akala ko sa mga museo lang bawal ang ganiyan. Sa mga tindahan din pala. Nasupalpal ako. Hindi kasi muna nagtatanong, hehe.

Gaya nang dati, ang naisip ko na lang: Kung ayaw nyo, e di huwag.

Mga naisip habang nasa mga mall

Kahapon, namili kami ni Mhay sa Trinoma ng ilang pangregalo. Kanina naman, sa Gateway kami. Narito ang ilang random thoughts ko habang nagmo-malling at comments tungkol sa ilang produkto at brands. Dapat ay imo-moblog ko, kaso baka matalisod ako habang nagta-type sa Treo ko, kaya tinandaan ko na lang.

  • Concerned ang pamunuan ng Landmark o Trinoma sa customers nila. Ihinahatid ang mga mamimili hanggang sa sakayan ng taxi at istriktong binabantayan ng mga gwardya ang pila sa taxi para masigurong maayos na makakasakay ang customers.
  • Marami talagang mapagpipillian sa Landmark.
  • Mahina ang aircon sa Bench stores, lalo na sa Gateway branch. Ilang minuto pa lang kaming tumitingin ng mga damit, pinagpapawisan na ako at kailangang tumapat sa electric fan.
  • Pero asteeg yung eco-friendly bag nila in gold and silver. P35 lang. Napuna at nagustuhan nga ng mga taga-Dickies. Continue reading

Sana Maulit Muli–ang pagwawakas

Sana Maulit Muli

Kagabi, sa pagwawakas ng Sana Maulit Muli, siguradong masasaya ang Kimerald fans–o mga tagahanga nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Pero ang maraming mga manonood, naasar naging takbo ng huling bahagi ng kuwento.

Lagi kong sinasabi na ang magandang ending ng isang palabas ay ‘yung hindi ini-expect. ‘Yun bang tipong masasagasaan ng bus, tapos tapos na. Parang ganoon din naman ang nangyari sa SMM. Naaksidente rin sila ng isang trak o van na nawalan ng preno.

Sa episode bago ang pinakahuli, namatay si Travis Johnson, at tumalon naman mula sa rooftop ng isang gusali si Jasmine Sta. Maria. Akala ko tuloy, mamamatay sila pareho. Siyempe, malungkot iyon, pero okay na rin sana–at least magkasama pa rin sila. Continue reading

Bench, Jollibee naman sa I-Witness

Image from Bench | Hosted by Photobucket - Video and Image Hosting

Kanina, nang ihatid kami ng Kuya ni Mhay sa terminal pabalik sa Maynila, dumaan ang kotseng sinasakyan namin sa Jollibee sa tapat ng terminal, at ang kasama naming dalawang taong gulang na nakababatang kapatid ni Migmig ay napabulalas ng “Jollibee!”–pero siyempre, hindi pa buo ang salita. Sa tingin ko, ang Jollibee ang isa sa mga salitang may tatlong pantig na pinakaunang natututunan ng mga batang Pinoy, lalo na ng mga taga-lungsod.

Naalala ko tuloy si Piolo, ang anak ni Ate Nikki na may-ari ng carinderia na kinakainan ko dati sa Novaliches. Mula sa Jabi, naturuan ko siyang bigkasin nang buo ang Jollibee. Tunay ngang bahagi na ng panlasang Pilipino ang Jollibee. Continue reading

Showbiz Linggo

Kahapon, oras na ng meryenda nang makabalik ako sa bahay galing sa pamimili ng mga aklat at ilan pang mga bagay. Sinabayan namin ng panonood ng telebisyon ang pagkain. Dahil Linggo, ang palabas nang oras na iyon ay balitang showbiz. At siguro’y dahil ilang araw nang bina-bash ng mga kasama ko sa bahay ang isang partikular na aktor na kinaaasaran namin, siyempre’y nasa mood manood ng mga kuwentong showbiz habang kumakain. At dahil puro “Kapamilya” ang mga kasama, ‘di na ako nagtangkang ipilit na panoorin ang programa sa paborito kong network.

Ibinandera ng palabas ang pinakaunang pahayag daw ni James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino — na para bang ito na ang pinakamahalagang pangyayari sa bansa sa linggong ito. May balita rin tungkol sa reaksyon daw ni Sharon Cuneta sa pagkikita nina Gabby Concepcion at anak na si KC. Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia.

Teenager ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark Fernandez — kasama sina Eric Fructuoso at Jomari Yllana. Lagi nila noong kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.

Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood, ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon.

Continue reading

High blood

Pagkatapos kong ma-publish sa Young Blood last month, high blood na raw ako ngayon. 149/90 yata. Tsk tsk, nag-aala-Camilo Sabio pa ako. Shet, nakaka-high blood talaga ang pulitika ( o ang pagsubaybay sa pulitika). Nakaka-high blood din ang imperyalismo at ang dala nitong 7-11 at McDo. Sabagay, pati pag-order sa Jollibee at paghihintay ng kanilang delivery, ganyan din ang epekto.

Panlasang Dayuhang Di At Home sa Jollibee

Sa amin sa Marinduque, kapag may isang taong nagpipilit na gawin ang isang bagay–trying hard kumbaga–sinasabihan siya ng iba ng “Ano baga’t naata-ata ka n’yan, ay indi mo naman pala kaya?”

Medyo mahirap magbigay ng rough translation, pero sa tingin ko, gets na naman ninyo, di ba?

Anyway, may kababayan akong nag-YM sa akin ng isang link. Tungkol daw sa isang Amerikano na nag-comment tungkol sa Jollibee. At dahil Jollibee fan, excited kong binasa ang blog entry na ito. Akala ko, magkokomento ang sumulat na si Pamela Ribon tungkol sa kakaibang sarap ng paborito kong fastfood na kopya, pero nagpataob, sa McDonalds nila.

But no! Sobrang ganado ang tinamaan ng magaling sa pagkukuwento kung paano sila nasuka-suka sa mga hain ng Jollinee–mga pagkaing bukod sa araw-araw na nilalantakan ng milyun-milyong mga Pinoy ay kumakatawan din sa tamis ng panlasang Pilipino! Continue reading

Disenyong Pilipino

Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disensyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.

Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan. Continue reading