Huwag mo nang itanong

12:14 pm update: 173-32-1 ang final score. Read here for details.

Habang isinusulat ito, siguradong patuloy pa rin ang katayan sa House of Representatives. Kinakatay ng mga kinatawan ang reklamong impeachment laban kay Gloria Arroyo. Sayang, wala akong mapanood na live feed mula rito sa bahay.

Pero base sa updates na nabasa ko sa GMANews.tv at INQ7, mahigit 20 pa lang ang boto para sa impeachment, at 2/3 na ng may 168 congressmen and women ang nakapagpaliwanang ng kanilang boto. Continue reading

Awa at Gawa sa Impeachment

Kasalukuyang pinag-uusapan ngayon ng House Committee on Justice kung sufficient in form and substance ba ang impeachment complaint laban kay Gloria Arroyo. Siyempre, gusto nating umabot sa Senado ang impeachment, para sa–sabi nga last year ng congressman namin sa Marinduque na si Edmund Reyes–katotohanan.

Kaya lang mukhang mas maraming sa mga kasapi ng nasabing committee ang alipores ni Gloria. Naisip ko, kung ipagdarasal natin na maisulong ang impeachment, mangyari kaya? Di ba’t nasa Diyos ang awa, nasa tao ang ngawa–err, gawa?

So kung naisin man ng Panginoon na maipasa ang impeachment, kung ayaw naman ng mga congressmen–na biniyayaan ng Diyos ng freewill, pero maaaring biniyayaan na rin ng Palasyo ng padulas–may mangyayari pa rin ba?

O sadyang magiging mas malakas ang panalangin ng mga obispong ayaw sa impeachment, kaysa sa mga pamilya ng mga magsasakang naisahan sa fertizer scam, sa mga botanteng na-hello ni Garci, at mga mahal sa buhay ng mga aktibistang minalas na mapalparan?

Nangangailangan ng dugo

Ifinorward sa akin ang sulat na ito. Baka puwede kayong tumulong:

Dear Friend,

My grandmother, Venus Balane has been in the ICU for over two weeks now. She underwent major surgery twice just last week.

She was first admitted into the hospital because she had to go through an andioplasty as she had three congestions in her left artery. When the doctors were repairing the first congestion, her artery was punctured and she began to bleed. The doctors tried to stop the bleeding but could not and in the afternoon, she was immediately rushed to the operating room. While there, she suffered acardiac arrest and the doctors had to revive her. They were able to revive her but she had to undergo a double bypass.

Continue reading

Mga obispo at ang impeachment

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

Kung noong isang taon ay tumanggi ang mga obispo ng Simbahang Katoliko na sumali sa mga nananawagan ng pagbibitiw ni Gloria Arroyo, ang nakaupong pangulo ng Pilipinas na akusado ng pandaraya sa eleksyon sa tulong ni ”Hello Garci,” ngayong taon ay ayaw naman nilang suportahan ang impeachment laban kay Arroyo.

Ayon sa “Shepherding and Prophesying in Hope,” ang pinakabagong pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), walang dudang para raw sila sa paghahanap ng katotohanan kaya’t buong katapatan nilang nirerespeto ang paninindigan ng mga indibidwal at grupong patuloy na nagnanais na gamitin ang impeachment process upang makita ang katotohanan. Ngunit idinagdag pa nila: Continue reading

SMS Joke from Our Daily Txt

Pinalitan ko ang pangalan ng txtm8s@tinig. “Our Daily Txt” na ito ngayon. Etong sample today:

umiyk ako ky God b4, tnong ko: “Bkt po PaLgi ak0ng nLa2yo s mGa kaibgAn q?” Nyakap ña ako at sbi ña: “kc anak, angel ka at asWaNG cLA. mgkaiba kau ng LeveL!”

More text messages at
Image hosted by Photobucket.

Superman Returns

(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)

“Noong unang kaarawan ni Miguel–ang superfriend kong pamangkin ng girlfriend ko–ibinili siya ng Tita Mhay niya ng Superman custome. Tuwang-tuwa ang bata. Nang magkaroon kami ng DVD ng lumang pelikulang “Superman: The Movie”, araw-araw itong pinapanood ni Miguel. Gustung gusto niya kapag tumutugtog na ang Superman theme, at may mga eksena siyang paulit-ulit na pinapanood. Sa kalaunan, nagasgas ata ang DVD dahil sa kaka-rewind.

Minsang nasa kanila ako, sinubukan kong panoorin ang buong pelikula. Kaya lang, nagloko ang gasgas na DVD at ‘di ko natapos ang pelikula. Ang totoo kasi niyan, bagamat dati’y nanonood ako ng Lois & Clark sa TV, hindi ako nakabasa ng comics nito at ‘di ko pa napanood ang mga pelikulang kabilang sa Superman series. Bandang huli, nakahanap din ako ng piratang DVD na naroon ang lahat ng apat na pelikula: “Superman: The Movie”, “Superman II”, Superman III”, at “Superman IV: The Quest for Peace.” Sadyang isip-bata yata ako–o aliw lang talaga sa mga superhero at malapit sa mga konsepto ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan—kaya’t gaya ni Miguel, sobrang naadik din ako, at pinagpuyatan ang panonood matapos lamang agad ang apat na pelikula. Continue reading

Google Checkout

Google Checkout So, it’s not GBuy. It’s Google Checkout.

And like Paypal, it’s not available in the Philippines. At least, not yet. For now it’s only for US residents. Aray. I hope it will accept residents of other countries soon.

Google Checkout lets users “buy from stores with a single Google login -– no more entering the same info each time you buy, and no more having to remember different usernames and passwords for each store.”

Check out Google Checkout here.

Mai-impeach kaya

Napapakanta ako, sa tono ng Narda ng Kamikaze:

Mai-impeach kaya
Sa dami ng ‘yong ginagawa
Kung naayos mo na’ng lahat
May pag asa bang malaglag ka…

Awit na nananawagan
Sa mababait na congressman
1017, CPR at fertilizer scam
Atin nang pag-usapan!

Tagumpay ng Buhay

Masaya ako na mabubuwag na ang parusang kamatayan. Mailalagay na sa tama ang siyang tunay na layunin ng pagkakaroon ng mga bilangguan: ang pagpaparusa’t pagpapanibago sa mga nagkasala kasabay ng pagsulong ng buhay ng mga biktimang nagkamit ng katarungan.

Pero mas masaya si Pangulong Arroyo. Biro mo, maipagyayabang niya sa Vatican sa susunod na mga araw na nagawa niyang buwagin ang bitay sa Pilipinas. Maiboboladas niyang pro-life siyang talaga. At sigurado akong sasabihin niya sa kanyang pagbabalik na di lang siya inilagay ng Diyos sa kinalalagyan niya ngayon, binasbasan din siya ng bagong Santo Papa.

Wish ko lang, gayong naipapahinto niya ang bitay, maipahinto rin niya ang malawakang pagpatay sa mga peryodista at aktibista.

Kung hindi, lalo tayong bubulusok sa kabalintunaan ng pagbabago ng batas upang matanggal ang parusang kamatayan ngunit pagpapanatili sa pagparusa ng kamatayan sa mga naghahangad ng pagbabago sa ilalim ng batas.