Unang buwan ng 2012

Enero 2012Parang kakasimula pa lang ng taon, pero patapos na ang unang buwan ng 2012. Parang naghahabulan lamang ang mga araw, at habang patuloy ang mga ito sa pagtakbo, minabuti kong balikan at itala ang aking Enero.

Siyempre, ang maraming oras ng bawat weekdays ko ay ginugol sa trabaho. Ganado at masaya pa rin ako sa Yahoo! sa kabila ng maraming pagbabago gaya ng pagkakaroon namin ng bagong CEO at pag-alis ng aming co-founder na si Jerry Yang.

Ang oras na natitira mula sa pagtatrabaho ay ginugol namin ni Myla sa pagkukuwentuhan, pagbibiyahe, pagbabasa, at pagkain. May ilang biyahe kaming binabalak ngayong taon. Kung may panahon nga lang, puwede na kaming makagawa ng travel and food blog. Pareho rin kaming nangongolekta ng digital copies ng mga gusto naming magazines.

Continue reading

Rizal @ 150

Rizal @ 150Noong mas bata pa ako, may ilusyon akong reincarnation ako ni Jose Rizal. Gaya niya, ninais ko ring maging doktor, manunulat, pintor, makata — at babaero. ‘Yun nga lang, ang nakuha ko sa kanya ay ‘yung parteng laging basted — o nauunsyami ang love life.

Pero sa bandang huli, nakilala ko si Myla, isang binibining sa murang edad ay nangako sa sariling ang mamahalin niya’y isang lalaking kagaya ng ating pambansang bayani. Yun nga lang, hindi ko maipaliliwanag kung paano ko siya nakumbinsing ako ang hinahanap niya. Siguro, dahil gaya ni Rizal, di ako kalakihang tao. O baka naman nakalimutan na lang niya ang lumang pangako niya.

Continue reading

Kaarawan

Birthday boy blowing his cakeNag-birthday ako nitong nakalipas na linggo. Sa weekend bago ang kaarawan ko, umuwi kami kina M at naghanda roon ng kaunting spaghetti at manok. Nakapanood din kami ng “Miss You Like Crazy.” Nag-leave rin ako sa trabaho nang dalawang araw para makapagpahinga, at medyo binawasan ko rin ang pagpo-post sa social networks ko. Nung Biyernes, nagamit ko ang palm card ng Pizza Hut at nagsalu-salo kami ng mga katrabaho ko sa pizza at chicken wings.

Continue reading

Kabaligtaran ng People Power

Maaari bang umusug-usog sa bus?

Maaari bang umusug-usog nang konti? Mula sa pinakalikod na upuan ng bus, nakunan ko ang mga taong ayaw umusog sa loob.

Habang nakapila sa hintayan ng bus sa ibaba ng opisina namin kanina, nasaksihan ko ang isang kabaligtaran ng isa sa mga pundasyon ng People Power.

Depende sa oras at suwerte, mga 15 hanggang 30 minuto ang pagitan ng mga biyahe. Kaya naman nang dumating at tumigil ang bus, pinakiusapan ng konduktor ang mga pumapasok na dumiretso lamang sa dulo para mas marami ang makasakay. But no, ang gusto talaga ng mga kababayan natin ay laging makababa agad. Nagkatrapik-trapik sa malapit sa pinto, pero anluwag-luwag sa dulo ng bus.

Continue reading