Nanay Diding, 89

Matilde Penaflor

Nang hagkan ko si Nanay Diding bago ako umalis pa-Maynila noong Oktubre, dumampi rin ang pangambang maaaring iyon na ang huli kong pagpapaalam sa kaniya. Sa kabila nito, nanaig ang aking pag-asang lalakas pa si Nanay at muli pa kaming magkikita.

Subalit dahil sa kaniyang edad at sakit, ilang panahon na ring mahina si Nanay. Noong Nobyembre 22, 2016, tuluyan na siyang lumisan. Sa pagpanaw ni Nanay, naging ulilang lubos na ako, na panganay niyang apo.

Continue reading

#KiligMoments: Iba’t ibang mukha ng pag-ibig

Kapag tinamaan ka na raw ng sibat ni Kupido, maging sino ka ma’y lulukuban ka na ng misteryong tinatawag na pag-ibig.

Isang araw bago mag-Valentine’s Day, niyaya ng YouScoop — ang citizen journalism arm ng GMA News — ang mga magsing-irog na magbahagi sa Twitter ng mga paborito nilang couple photos gamit ang hashtag na #KiligMoments.

Narito ang mga larawan ng ilan sa mga tumugon sa panawagan. Tunghayan ang iba’t ibang anyo ng pag-ibig.

Continue reading

Hello, world!

Parang unang post, ‘di ba?

Hindi na ako magkukunwaring back-to-blogging post ito. Baka kasi sa isang buwan na naman masundan ang post na ito. Napadaan lang ako dahil nitong mga nakalipas na araw ay may mga pagkakataong naiisip itong blog ko, ang Tinig.com, ang iba pang mga gawain ko noon online.

Naaalala ko ang mga dating mambabasa, ang mga naging cyberfriends, at ang masayang pamayanan ng blogging bago mapuno ng Google Adsense ang ating mga pahina at kunin ng Facebook at Twitter ang malaking bahagi ng mga araw natin.

Naaalala ko ang blogging noong panahong ito’y parang personal journal na talaan ng mga nangyari sa nagdaang mga araw kung saan nahuhulma’t ginagawang mga salita ang mga mapagpalayang buntung-hininga.

Continue reading