Bigo ang pagnanais na maipakulong si Trillanes

Antonio Trillanes IV

Sa mga politiko mula sa oposisyon na hindi nakakulong, si Senador Antonio F. Trillanes IV ang pinakamasigasig sa paglaban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago pa man ang Eleksyon 2016, inakusahan na ni Sen. Trillanes si noo’y Davao City Mayor Duterte ng pagkakaroon ng P211 milyon sa isang bank account sa BPI Julia Vargas. Hindi umano ito idineklara ni Duterte sa kaniyang statement of assets, liabilities, and net worth. Noong una, itinanggi ng tagapagsalita ni Duterte na may account siya sa BPI Julia Vargas. Kalaunan, inamin ni Duterte na may account siya roon, pero libo lang daw at di milyon ang laman ng account. Continue reading

Maraming salamat, Uber Philippines!

Uber

Pagbukas natin kanina ng Uber app sa ating cellphone, ganito na ang mensaheng bumungad sa atin: “Unfortunately, Uber is currently unavailable in your area.”

Tuluyan nang tinapos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng Uber sa Pilipinas. Inatasan ng LTFRB ang Uber na itigil na ang operation nito sa bansa matapos bilhin ng dating kakompetensiya nitong Grab ang Southeast Asia operations ng Uber.
Continue reading

‘Silence can’t be the option anymore’

Jover Laurio of Pinoy Ako Blog

Amid state-sponsored disinformation and outrageous statements of President Rodrigo Duterte, Filipinos should no longer remain silent, women advocates said during an anti-“fake news” conference in Makati City last week.

Silence can’t be the option anymore,” said Gang Badoy Capati, founder of RockEd Philippines, an alternative education group. “Silence right now,” Capati added, is “violent.” Continue reading

Sumakay siya ngunit kulang

Harry Roque

Nasa balita ngayon ang pagsakay kanina ni Sec. Harry Roque sa MRT-3 at sa LRT-1. Ayon sa bagong tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, gusto niyang mas maunawaan ang perwisyong nararanasan ng mga pasahero ng tren.

Ang pagsasaayos ng MRT ay isa sa mga pangako ng administrasyong Duterte. Sabi ng DOTr noon, aaksiyunan ang pila sa MRT sa unang 100 araw ni Duterte sa puwesto.
Continue reading

Zest-O gang

Tawang-tawa ako matapos kong mabasa sa patok na patok ngayong Classic Pare® Titos and Titas of Manila Facebook group ang isang post na nagtatanong kung nabiktima rin ba noon ng Zest-O gang ang Titos and Titas of Manila.

Dahil diyan, kinuha ko sa aking sinupan at medyo inedit ulit ang aking kuwentong Zest-O gang na nalathala sa Pinoy Times halos dalawang dekada na ang nakararaan. Ang image ay galing sa Facebook page ng Zest-O.

Ikaw, may kuwentong Zest-O gang ka rin ba?

Estilong Zest-O gang
Ni Ederic Eder
Pinoy Times
Setyembre 4, 2000

Continue reading