Sinasabing ang mga Pilipino ay makakalimuting mga tao. Sa dami ng dumarating na krisis, iskandalo at problema, hindi na natin naalala ang mga isyung dapat nating hinaharap bilang isang bansa. Sa bawat palit ng headline sa diyaryo at telebisyon, natatabunan din ang mga mahahalagang istoryang dapat nating pinagtutuunan ng atensyon, at naiiwan na lang ang mga tanong, at naghihintay ng kasagutan.
Ano na nga ba nangyari sa mga isyung gumulantang noon sa ating bayan?
May naparusahan ba sa Ozone Tragedy? Rub-out ba o shoot-out ang kaso ng Kuratong Baleleng? Ano ba talaga ang nangyari kay Jonas Burgos? Sino ang talagang bumaril kay Ninoy?
Ngayong Oktubre, isang painbagong programa ang ihahandog ng GMA Public Affairs na muling magbabalik sa atin ng mga mahahalagang isyu at iskandalong kinaharap ng ating bayan at susubok na sagutin ang mga tanong na naiwan sa ating nakaraan: ang Case Unclosed.
Isasabuhay ng Case Unclosed ang mga mahahalagang pangyayari ng bawat isyung tatalakayin sa pagsasama ng istilo ng docudrama at aktuwal na video at panayam sa mga taong kakabit ng istorya. Sa direksyon ng mga premyadong independent film directors, uungkatin ng Case Unclosed ang mga kuwentong umukit sa ating kasaysayan, mula sa mga trahedya at mga karumal-dumal na krimen hanggang sa mga pulitikal na isyung gumulantang sa madla.
Sa linya ng mga batikang reporters ng GMA News and Public Affairs Department, isang boses ang magkukuwento ng mga tatalakaying istorya ng Case Unclosed: ang multi-awarded journalist na si Kara David, na kamakailan lang ay ginawaran ng prestihiyosong Ten Outstanding Young Men of the Philippines at Broadcast Journalist of the Year ng Rotary Club of Manila.
Sa unang pagtatanghal ng Case Unclosed ngayong Oktubre 2, babalikan ni Kara David ang trahedya sa Ozone, kung saan 161 katao, na karamihan ay mga graduating students, ang binawian ng buhay dahil sa sunog sa Ozone Disco noong Marso 18, 1996.
Matapos ang labindalawang taon mula nang mangyari ang sunog, may mga bangkay pa rin daw na hanggang ngayo’y hindi pa nakikilala, at ang mga sangkot sa kaso, hindi raw nakulong. Ano nga ba ang nangyari sa kaso? Kumusta na ang mga biktima at pamilya ng mga namatay sa Ozone?
Sa direksyon ng award-winning independent film director na si Adolf Alix Jr., muling ipapakita ni Kara David sa Case Unclosed ang kuwento ng Ozone tragedy, at susubuking bigyang linaw ang mga nabiting katanungan sa trahedya.
Muling balikan ang mga tanong ng nakaraan sa Case Unclosed, simula ngayong Huwebes ng hatinggabi, Oktubre 2, 2008 pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
September 19, 2023
‘Elemental’ is 2023’s most-viewed movie premiere on Disney+
“Elemental” made its streaming debut in a blaze of glory.
September 16, 2023
Converge, BlastTV intro Studio Universal
Converge announced the launch of Studio Universal in Southeast Asia on…
June 20, 2023
Tunggalian sa katanghalian
Dahil sa "Eat Bulaga," may namumuong kaabang-abang na mga pagbabago sa free TV…
Cased Unclosed…On-sided, biased, hindi totoong “walang kinikilingan at walang pinoprotektahan”
sana mapansin nyo ang kaso sa mga nabiktima sa piramiding scam ni Baladjay. Isa ang kaibigan ko sa mga nabiktima niya kung saan ang kalahati ng kanyang retirement ay ininvest niya doon.
sa chanel 7, sana ipakita nio ung libre serbisyo nila bro. eli… kgaya ng libreng sakay, trancient house, libreng koleheyo at marami pang iba…. kya nio ba gawin un?
puro kayo payaman!!! tumulong na lng kayo sa kapwa nio pilipino na naghihirap…
Babagsak kayo sa ginagawa nyo! napaka unfair nyo!
“MAY KINIKILINGAN”
“MAY PRINOPROTEKTAHAN”
“SERBISYONG HINDI TOTOO”
“SERBISYONG PUROS RATING LANG ANG INAATUPAG” = GMA Channel 7
ARNOLD CLAVIO = Human
ARN ARN = Puppet
ARNOLD CLAVIO = ARN ARN
therefore:
ARNOLD CLAVIO = PUPPET
To Mr. Clavio:
You’re such a lunatic person! A biased and not a trustworthy journalist. You didn’t even give a chance to those people that are in the side of truth, just because of money and prestige!
Is what your network really stands for? Your company’s slogan: “WALANG KINIKILINGAN, WALANG, WALANG PINUPROTEKTAHAN”, are all but lies!
It doesn’t mean that those INC ministers are the the most respected religious organization are really those respectable.
They are all demons indeed… lurking inside their castle, DILIMAN, QC. See for yourselves.
They’ve only covered themselves with elegant garments, but underneath are foul devourers of souls.
And as for you Mr. Clavio, your such a puppet. Arn-Arn is a far better puppet than you, because Arn-Arn cannot be used for money, unlike you.
You said you are a “respected journalist”. Well, after your report, does it still reflect your “respected journalist” title?
YOU are deserved to be called a “PUPPET”!
Bakit hindi kinuha ang part ng mga attorney ni Mr. Soriano? Arnold, ikaw ang host dyan. Sumasalamin sa iyo ang show mo. Bias.
Pera-pera na lang ba?
Di na ako manood ng Unang Hirit at Saksi nya. Bias syang reporter.
Parang hindi dapat maging journalist si Arnold Clavio kasi hindi nya kinuha ung side ni Bro.Eli samantalang di naman mahirap yun kahit nasa abroad sya. Kumbaga sa boxing ung isang panig naka boxing gloves tapos ung isa naka gloves din pero nakatali, syempre kahit bading kalaban mo makakasuntok yan… Be fair naman sana…
Mr. Arnold, marami kang pwedeng makita kay Bro.Eli… May mga project syang katulad ng Transient Home, Libreng Sakay at may Free Clinic pa… Bakit kung ano pa yung hindi totoo, un pa ang pinili mo… Tsk tsk tsk… Insecured ka ba? Wag mo hilahin si Bro.Eli pababa nakakatulong sya sa aming mga mahihirap… Ang isang journalist dapat credible at may sariling pananaw hindi nakokontrol na parang puppet. Ok lang kung si arn-arn ka puppet talaga un eh…
Sana makonsensya kayo (kung meron man). Sana kilabutan naman kayo kahit konti lang.
Cased Unclosed! Patunayan sana ninyong di kayo “bias” at di kayo nababayaran ng mga taong masasama at mga nasa kaDiliman..
Very well put.Validation is just one of the pieces that make up an aelbssicce and well-constructed web page. It’s an important one, but it’s very easy to create tag soup rubbish that validates. Layout tables validate. [img src= big-red-bullet.jpg alt= big-red-bullet.jpg ] validates. [font face=verdana size=1 color=silver] validates (against Transitional, anyway).But unless your site validates, there’s a very strong chance that it will be inaccessible or that it will break. Especially if you’re claiming it to be XHTML!
ay naku kara ayusin mo ang intonation mo at para ka lang nakipagkwentuhan sa kapitbahay at walang impact kung ikaw ay nagbalita.mag english ka naman ng kunti. OA
March 3, 2009
Ms. Kara David,
I hope you can run a story on Lotto Winner whose ticket declared fake by PCSO, it happened in 1996 and it went through a legal battle and now its on appeal at supreme court according to internet news/website “ILOILO …..” This is alarming becuase PCSO has all the controls of ticket validation they have the say whether the ticket is fake or not. I mean can they alter the bets in the machine after the draw? They know very well their machines, how it works and maybe how it won’t function.
Since 2003 I’ve been a lotto regular player. I’m afraid to win because of that 1996 event. Imagine you got perfectly the combinations and at the end they’ll say my or your ticket is fake.
Hi David Edward, alam ko, nagbebenta pa rin sila. Tawag ka lang sa 9827777 then pa-connect ka sa I-Witness. hanapin mo si Ms Jenny Licen. 🙂
nagbebenta pa rin po ba ang seven (7) ng mga dvd ng iwitness? and all other documentaries? gusto ko po sana bumili.. 😀 hehehe.. thanks!
david.edwards last blog post..Destined to Die