Wish lang namin noong una iyon. Kumbaga, wala sa planong umakyat ng Baguio. Ang talagang ipinunta namin sa Hilaga, partikular sa Ilocos Sur, ay ang saksihan ang kasal sa simbahan ng kaibigan naming si Sharon sa kabiyak niyang si Roel, at ang binyag ng baby nilang si Jamir.
Lima kaming bumiyahe mula Maynila patungong Ilocos Sur noong Miyerkoles nang gabi: sina Bing at Don (yiheee!), si Alex , si Karla (na galing pang Cebu), at ako. Tila may kabilisan ang biyahe: walang masyadong traffic. Siyempre’y umaatikabong kuwentuhan kami ni Karla, na tuwang-tuwang ipinagmamalaki sa amin ang mga larawan ng baby niyang si Jacob. Mahigit isang taon na yata kaming hindi nagkita ni Karla.
Pagdating namin sa Ilocos, kinailangan naming maghanda agad para sa kasal. Abay sina Bing at Alex, pero siyempre, japorms din dapat the rest of us. Pati kulay nga ng damit namin ni Karla, pareho pa at medyo nag-fit sa motiff.
Lagi nang may dalang excitement ang panonood ng mga ikinakasal, lalo na kung mga kaibigan mo ang pinagtataling-puso. Pakiramdam ko, masuwerte kaming mga naanyayahang saksihan ang banal na pagbubuklod sa dalawang kaluluwa. Ganoon ang pakiramdam ko, kahit sabihin pang sa purong Ilokano na di ko naiintindihan isinagawa ang seremonyas.
Dahil sa kakulitan at kuhanan ng mga larawan sa labas ng simbahan, nahuli kaming lima sa ritwal ng binyag. Dagdag pa sa kapalpakan namin ang weird na ang text na natanggap ko na nagtatanong kung totoo bang nadedo si Ate Glo!
Sa reception, kinulit-kulit at kinunan namin sina Sharon at Roel habang nagsasayaw, at ganoon din nung nagpapasalamat na sila sa lahat. (You know, yung parang acknowledgment sa movie.)
Noong hapon, kinulit na naman namin sila sa kuwarto habang nagbubukas ng mga regalo. Maya-maya, kinulit ko naman ang Chivas Regal na noong reception pa lamang ay tinitingnan na namin nang masama. Medyo hiya pa nga rin ako hanggang ngayon. Ako kasi ang nagvolunteer na magtagay, at pang-Guiness Book of World Records yata ang bilis ng cycle ng tagay. Nagmukha tuloy akong atat na atat sa pag-inom. Namula tuloy ako at nakipagkantahan kay Don, at pinagtawanan ni Jomar, ang best man, dahil nalasing daw ako at ginulo ko raw ang buhok ko. Promise, hindi na ako uulit. Di na ako magpi-prinsintang magtagay ulit sa inuman.
Noong gabi, naghuntahan kami sa ilalim ng buwan at noong mas gabi na, itinuloy namng mga boys ang pagtira sa Chivas na halos naubos sa pagtagay ko nung hapon. Ikinuwento ni Roel ang lovestory nila ni Sharon, at nagpalitan ng kuwento’t kuru-kuro tungkol sa buhay, pag-ibig, at alam n’yo na kung ano pa.
Siyempre, hindi kumpleto ang gabi kung hindi kami mag-uusap ng mahal ko. Gaya nang dati, hindi inalintana ng aming mga tinig ang layo sa pagitan namin. Muling umigpaw sa ibabaw ng mga bundok at hi-way ang aming palitan ng pangungumusta at pagmahahal.
At habang nag-uusap kami sa telepono ng aking lakambini, napansin kong may magkapusong masinsinang nag-uusap sa isang sulong ng bahay na aing tinuluyan. Kinabukasan, nagising akong kumakanta-kanta na si Bing at si Don ay napabalitang nahulog sa kamang hinihigaan namin. When you fall in love ba talaga, ay nakakahulog? Hehehe.
Noong gabi ring iyon ay nakatanggap ako ng dalawang text na nagbabalita sa pagpanaw ni Dean Armando Malay.
Kinabukasa’y naglunoy kami sa dagat, kumain ng tanghalian, at pumunta sa Vigan. Nag-Internet kami, sumakay kami sa kalesa, bumili ng pasalubong, at pumunta sa Quirino museum. Natuwa naman ako’t nakabisita ako ulit sa Vigan. Nag-enjoy ako nang unang punta ko roon two years ago.
Nang nasa bus station na kami pabalik sa Maynila, nalaman naming 5:30 pm pa ang biyahe ng bus papuntang Cubao. Habang nakaupo’t naghihintay, pinagmamasdan namin ang bus na ang sign board ay Baguio. Inasar-asar namin si Karla, na for some reasons I’m not telling you ay atat na atat nang makabalik ng Maynila. Tara, Baguio tayo, yaya namin. Ilang segundo matapos magsimulang umusad paalis ang bus, biglaan ang desisyon naming habulin ito upang sumakay. Asteeg ‘yung feeling nang ganoon. Basta nag-decide lang kami at that moment na pumunta ng Baguio. Walang plano, walang preparasyon. Gusto lang namin.
Kaya naman medyo nahirapan kaming maghanap ng matutuluyan sa Baguio. Mabuti na lamang at may mga taga-Department of Tourism na nag-offer na isakay at samahan kami sa paghahanap. Kung bahagi ng WOW Philippines ang proyektong iyon, wow na wow ang galing naman nila. Nang naka-settle na kami, lumabas na kami upang kumain at maglagalag.
Naalala ko tuloy yung isinulat ko dati, noong unang pagbisita ko sa Baguio. Nag-uumaga na nang dumating ako noon:
I am not supposed to expose myself to the fatal sunlight but I had been told sunrise is wonderful here in this mountainous, cold and green city. I’ll endure the light.
They were right. Now, I could see the golden light peering from behind the hills. And it does me no harm. It was lengthy trip from the south and I slept at times but stayed awake most of the time.
Surely, I’m in the city now, it’s where we’re supposed to stop. I don’t know if I could bear to stay under the rising sun still. The light is already spreading fast here, but it is very, very cold and I’m trembling. The coldness sears through my spine. I must find a shelter.
Malamig talaga sa Baguio. The best ang klima. Parang humahaplos at nagpapakalma sa kaluluwa. O baka dahil nasa mataas na bahagi ng lupa, kaya’t mas masaya at magaan ang pakiramdam dahil mas malapit sa langit.
Ansarap maglakad kasi hindi nakakapamawis nang sobra. Pero mas masarap maglakad siyempre, kung may kapulupot ka–nakakabawas ng lamig. Sayang at hindi nakasama ang mahal ko. Pero masaya pa rin kasama ang barkada. Nagliwaliw kami sa mga lansangan, nanood ng mga tao (marami raw guwapings, sabi ni Karla, at oo nga: maraming mga magagandang lalaking kapulupot ay mga magaganda ring lalaki.), kumain sa Chowking, namangka sa lawa sa Burnham Park, at nagkuhaan ng mga larawan.
Natulog kaming kayakap ang lamig. Uhm, meron palang dalawang magkayakap na natulog, pero hindi kami ni Karla ang mga iyon.
Kinabukasa?y tinatamad pa akong bumangon, ngunit bandang huli?y napilitan na akong maligo?napasigaw nga akos a lamig ng tubig?sapagkat hindi na pala puwedeng I-extend ang aming stay sa tinuluyan naming silid.
Nag-almusal kami sa Rito?s, nag-away at nagbati kami ni Karla, at pumunta na sa estasyon ng bus upang bumalik na sa Maynila. Bago tuluyang umalis, namili muna kami ng pasalubong at umakyat sa Cathedral at nagkuhanan pa rin ng larawan. Pumasok ako at sandaling nagdasal sa simbahan bago kami bumalik sa estasyon ng bus upang matagpuang nakaalis na ang bus ng mga tiket na hawak namin.
Sa huli, nakakuha rin kami ng maayos upuan sa kasunod na biyahe, at bumaba na kami pabalik sa Maynila nang masayang masaya.
Kumpleto at maligaya ang aming summer of 2003.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
sana wag kayong mag sasawa
ei!bakit d ko yata alam yung tungkol sa drama nyo ni karla? di ba talaga pwede ikwento dito yung nangyari? 🙂 si rina at jumar humihirit, ba’t di daw sila kasama sa pics? 🙂
Sorry, delayed reaction ako.
Alex: Bakit late mo nabasa? Kasi… late ko rin ipinost. :p
Jong: Biglaan, eh! 🙂
Wideyeshut: At leastr hindi sa sakong ang tattoo mo, hehehe.
Karla: Syemps, kahit naman “three fucking days” ‘yun, loves pa rin kita, hehe. So, may nangyari ba? Bweheheh. Yung eksena natin, ayoko ikuwento. May mga batang nagbabasa nito eh.
Bing: Inggitin ba si Vida?
Vida: Pero totoo, balik ka na rito, baka makahanap ka ng lovelife!
Lovelie: Oi long time no see. I’m sure maganda ka pa rin! Naalala ko pa tuloy…. 😉
Don: Ang saya-saya talaga! Nxt time, ikaw na ang tanggero para dahan-dahan..
Kamalayan : Huwag na yung kuwento. Bata ka pa!
Oo nga kwento mo naman ederic… hehehehe.
At Don, ano na ang nangyari sa yo? Magparamdam ka naman!
Ederic, dapat may part 2 pa ito eh. Di mo ba ikukuwento yung eksena natin?
di ko lang maklimutan tlaga master ederic ay yung chivas sa ilocos! na ground ako nun! bilis mo ha…newe katuwaan lang naman…but guys!, enjoy tlaga ako sa company nyo… 🙂 ANG SAYA SAYA! riding a boat 2:30AM sa baguio? MASAYA TLGA! 🙂
nainggit lang ako bigla…kumusta na? =) long time no see..
saya nga naman. at talagang napag-iiwanan ka na vida. di mo na kami maiinggit sa long drive mo sa mga magagandang lugar sa estados unidos. kahit pa baguio at vigan lang napuntahan namin, iba pa rin saya pag kasama mo mga kaibigan at ka-ibigan mo. 😉
balik ka na sa Pinas!
saya nyo naman. napapag-iwanan na ko. bing, may pang-blackmail na ko sa yo. haha!
oh my god! am blushing!
sus, akala ko pa naman ikukuwento mo ang madramang eksena natin dun sa restoran! hay…
di bale, kahit “three fucking days” yun, nag-enjoy naman akong kasama ka. and yes, thanks at di mo dinivulge kung bakit atat na atat akong makabalik ng manila. ehem.
miss you po, and sana next year ulit. ano na naman kaya pag-aawayan natin?
Chivas Regal… hehehe… ‘yun yung brand na nakalimutan ko sarili ko… nabisto tuloy na may tattoo ako sa aking butt… hehehe..
O Edric, hindi ka man lang nagsasabi e may kabiyak ka na pala. Pag mga ganyang balita, dapat ipinapaalam mo sa lahat. Hehehe. Sige, sa susunog nating pagkikita, bili akong Chivas, ikaw ulit ang kubrador…este tomador…este ano nga tawag don?
Ba’t ngayon ko lang yata nabasa ‘to? Parang nauna ko pang mabasa y’ong May 19 post mo.
Ayos talaga sa Baguio.