Di man ako modelo ng isang tunay na environmentalist–may mga gawain akong di maiwasan gaya ng pagkain sa mga fastfood na gumagamit ng styro, at iba pang mga bagay–may isang gawi ako na kahit paano’y maliit sigurong ambag para sa kalikasan. Eto ang malatalumpating pagtalakay ko tungkol dito para sa pandaigdigdang Blog Action Day for the Environment:

Kapag nasa dyip ako at may batang biglang nagtapon sa bintana ng balat ng kendi, nagugulat ako. Kapag matanda, ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin nang masama.

Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ‘ika nga ng isang lumang kanta. Mabuti kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, e kadalasa’y mga plastik at iba pang bagay na di naman maaaring humalo nang kusa sa lupa.

Mas malupit ang pagtrato natin sa likas na yamang-tubig. Tumingin ka lang sa alinmang ilog–sa Kamaynilaan man o sa mga probinsya–at makikita mong kadalasa’y mga basura mula sa mga tao ang nagsisilbing pampang ng ilog. Sa amin sa Marinduque, may dalawang dekadang literal na ginawang basurahan–tapunan ng dumi mula sa minahan–ang dagat.

Samantala, noong nabubuhay pa siya’y ikinukuwento ng lolo ko ang Ilog Pasig na nilalanguyan niya noong nakarating siya sa Maynila. Pakiramdam ko’y nata-time-space warp ako sa kanyang kuwento. Ibang-iba kasi ang ilog na nasa kuwento niya–malinis at malinaw; ang alam ko ay iyong ilog na naghihingalo’t pilit na isinasalba sa tuluyang pagiging isang malaking pusali.

Paulit-ulit na nating naririnig ang mga ganitong reklamo, ang mga ganitong paalaala: na kung magpapatuloy tayong mamuhay sa ganitong paraan, baka wala nang abutang malinis na tubig at lupa ang mga anak ng ating magiging mga anak.

Hindi lamang ang banta ng basura o polusyon ang panganib na kinakaharap ng ating planeta. Mayroon pang mas malalaking suliranin gaya ng pagkakalbo ng mga kagubatan at pagbabago ng klima (climate change). Ngunit para sa ating mga nakatira sa maliit at papaunlad na bansa, mahalaga ang ambag ng bawat mamamayan sa pagharap kahit sa simpleng problema sa basura lang muna. Malaking bahagi ng ambag na ito ay manggagaling sa kabataan.

Naniniwala akong ang tila napakasimple ngunit mahalagang gawi ng tamang pagtatapon ng basura ay dapat itanim sa isipan ng bawat bata. Kinakailangang gawin itong bahagi ng kanyang araw-araw na buhay–ng kanyang sistema–gaya ng paghinga at pagkain o paglalaro at pagdarasal.

Tila malabo nang maturuan ang marami mga nakatatanda. Para sa kanila, sadyang ang buong paligid ay isang malaking basurahan. Pero may pag-asa pa sa kabataan. Noong maliit pa ako, paulit-ulit na ipinaalaala ng aking mga guro at pamilya ang tamang pagtatapon ng basura. Nadala ko ito hanggang sa paglaki ko, at kahit ngayong nakatira ako na ako sa lungsod. Sinusunod ko ang slogan ng MMDA: “Ang maliit na basura, ibulsa na lang muna.”

Kung ituturo natin sa ating mga nakababatang kapatid, pinsan, kalaro, estudyante, at iba pang mga bata ang ganitong pananaw, malaki ang tsansang ito’y seryosong sundin at kalakhan na nila.

Kung magkakaganoon, malinis na Pilipinas ang iiwan nila sa salinlahing susunod sa kanila. — Ederic Peñaflor Eder, www.ederic.net

Note: Hindi ako makagagawa o makakapagpadala ng mga talumpati sa e-mail ninyo. Mangyaring pumili na lamang kayo ng alinman sa mga nasa Talumpati category ng ederic@cyberspace o mga talumpating nalathala sa Tinig.com.

Ederic Eder

Filipino blogger

Join the Conversation

65 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

  1. kua ederic!! kung pwde po mkahingi ng talumpati tungkol po sa mga
    “KABATAAN NGAYON”
    ..sana po wag msyadong mhaba..pero malaman..kailangan ko po this tuesday march 17 2009….wag nio po kakalimutan…tenx=))

  2. pde pakopya ng talumpati mo pra sa filip ko nakakatamad gumawa ng sariling talumpati eh .. . lolol

  3. pwede po ba pagawa ako ng Talumpati tungkol sa kalikasan.

    kahit maikli lang po. salamat.

    pa send na lang po sana sa email ko.

    salamat po.

  4. pwd po bang gamitin ang talumpati ninyo? hindi ko naman po aangkinin…

    mayroon lamang po kaming palatutuntunan tungkol sa talumpati…

    at maganda po ang talumpati ninyo kaya napili ko..

    tanx po.

  5. elow po!
    pwd po ba hiramin yung
    talumpati nyo?
    gawin ko lng pong guide
    pra mka gawa ako ng
    sariling talumpati…
    dhl deadline nmin last week
    pro hdi akq nka pass
    dhl wla akng ma isip………
    dhl sa talumpati nyo makakagwa na akq ng
    sariling talumpati……
    tnxpoh……

  6. ui hramin ko
    muna ang talumpati
    mo huh?
    kelangan lang
    para sa project koh…
    tnks poh….
    hehehe.. ^.^

  7. hello poh galing naman
    pwede poh ba gawan din nyinyo ako ng talumpati
    sana ung maikli lang kailang ko na sana ngayong friday
    sana poh mapagbigyan nyo poh ako
    salamat poh

  8. kuya ederic..kahit hindi bukas..january 10 ang pasahan namin ng talumpati tungkol sa global warming. pede po ba kayo magpost dito? kelangan po sariling gawa pero hindi talaga ako marunong gumawa..please po..kelangan ko talaga tong project nato para sa midterm..para pumasa..pls…

  9. pede po ba ako makahingi ng talumpati tungkol sa Global warming?
    kailangang kailangan ko na po ngayon..bukas na ang pasahan namin..mportante po talaga ito para di ako bumagsak..maraming salamat po.

  10. pde po buh mka hingi ng talumpati tungkol sa kabataan ngayon? .. i nid it po kasi eh .. sa tues. po .. qng ok lng sau .. enx po alotzz ,,

  11. pwede pong pahingi ng talumpati tungkol sa mga kabataan at mga magulang…. nid ko lang po sa friday. tnx.,.,.,

  12. kuya, gagamitin ko ang talumpati mu ha!! kailangan ko kasi. . . . . maraming salamat ha. . . . sori poh ha! kailangan ko tang talaga. . . tinatamad kasi akong gumawa

  13. kuya, gamitin ko ung talumpati mo ah> ang cute eh.. hehehe, kailangan lang po sa finals namin ngaun, haha..
    pero kasi kailangan sariling gwa namin.. haha! e aun sa katamaran, naghanap sa internet at nakita ko ung sayo.. mukha naman na gawa ko lng eh, haha! kunwari lang. kuya pahiram ah? slamat!

  14. kuya ederic i need bably your help to my talumpati nagagawin namin para sa final namin kakalungkot nga po na wala akong maisip tungkol sa tatalumpatiin ko… sana magawa nyu ako ka-hit anung impormasyon sa nagaganap sa pang arawaraw nating buhay^^…sana po matulongan nyu ako^_^

    paki gawa naman po ako ng talumpati tungkol po sa patay o kaya sa hangin?….. o kaya naman sa GATAS (bakit natin kailangan ang gatas) yan po kuya ederic…

    nakaka inspire po un talumpati nyu…

    Salamat poh!^^

  15. Astigin pong talumpati. Umm, gagamitin ko lang po sya sa klase namin kaya kung pwede po sana mahingi ang author’s name.