“Pare, mag-Friendster ka!” Hindi na ako nagulat nang isang hatinggabi ay matanggap ko ang text message na ito mula kay Tim, boyfriend ng bestfriend ng girlfriend ko. Senyales lang ‘yan ng pagiging talamak ngayon ng addiction sa Friendster.
Bagong sali lang kasi si Tim matapos namin siyang kulit-kulitin noong gimik ng barkada sa Sarah’s para sa birthday ni barometer. Isa lang siya sa maraming gaya nating nahuhumaling sa Friendster na sobrang ginagaya na sa Internet. (Mayroon na ngang Enemyster, Fiendster at pati na STD-ster at Traposter.)
Pero bakit nga ba nakakaadik ang Friendster? Gaya nang dati, tinanong ko ang mga paborito kong tao, at ang mga friends ko sa Friendster. Ipinakuwento ko na rin kung paano sila nakumbinsing sumali.
Sumali raw si Marian “because it came highly recommended.” Si Paj naman ay dahil “a friend kept on pestering me to join in.” Hindi naman siguro ako ‘yung nang-pester dito sa huli. Hehe. Mukha ba akong guilty?
Inudyukan din si Mart ng mga “mokong” niyang kabarkada: “Baka dito ko raw kasi makita si binibining marikit. hehehehehe.” Ewan ko lang kung nakita na niya. Basta ako, bago pa man ako mag-Friendster, natagpuan ko na si Lakambini.
Ang kuwento naman ng isa kong kaibigan na itago na lang natin sa pangalang “Gelli” (hindi ‘yung “Uy, jeally,” ha?): “I guess it’s a case of curiosity finally killing the cat. Friendster was on everybody’s lips and I decided to finally find out what the hoopla was all about.” Owwws? Ang totoo niyan, hinahanap lang pala niya ang kanyang high school flame na sa States na nakatira. Ang masakit niyan, “he is not to be found in this online community! Damn!” Baka raw gumagamit ng pseudonym!
Mas masuwerte si glitchy. She got to contact her old crush from high school “and it turns out he still remembers me! Happy, di ba? Ngayon in touch kami sa isa’t isa at alam ko na mga bago sa kanya,” ang masaya niyang balita.
Ganoon din si BR: “Naka-chika ko over the Friendster yung long-lost friend ko nung elementary pa kaya connected na kami.”
Samantala, na-curious din lang si Bryant: “I have many friends, from gimmick pals to first-level, blood-brother-type friends, so you can leave out the most likely reason that I’m desperately lonely and need friends. Not that I also need to find someone online for a cheap shot of cyber romance.” Aniya, ang nakaakit sa kanya sa Friendster “is its bizarre and thrilling way of connecting with persons, either possible friends or GFs.” Dagdag pa niya: “I feel thrilled when a person I don’t know from Adam suddenly emails me and asks me to be his/her friend. ”
“Maybe like other modes of communication spawned by Internet such as Yahoo Messenger and MIRC, the non-traditional method of people-networking excites people,” ang konklusyon niya.
“I found Friendster amazing, you know the six degrees thing (Tama ba? ‘Yung bawat tao raw konektado sa isa’t isa sa pamamagitan ng anim na tao lang? Ah basta, ganun yun). Nakakatuwa na konektado pala ako sa isang tao thru two or several persons na ‘di nga magkakakilala,” paliwanag naman ni Melis.
Sang-ayon dito si Alex: “Nakikita rito kung paano nagkakaugnay ang mga buhay ng mga taong hindi personal na magkakakilala.”
Halimbawa nito ang karanasan ni knox: “I met a friend whom I didn’t know was a friend to one of my friends, tapos we found out na dami naming connection pala talaga.”
Si glitchy, simple lang ang dahilan: “Para makapang-stalk ng mga celebrities at dating mga kilala.”
“I log on to spy on people. What is that saying? ‘Tell me who your friends are and I will tell you who you are,'” sabi ni Jaytee. Ahh, kala ko tell me who your friends are and I will tell you mine, hehe. Pero tama siya, masaya nga kasi “you can check out people without them knowing it.” (Stalker mode ito, parang si cedar_and_spruce. Sana, may Friendster na noon para ‘di na siya nahirapan dun sa taga-Bio. Hehehe.)
Aminado naman si wideyeshut: “Frankly, nag-boy-watching lang talaga ako dito.” Si Ryan naman, “to see people and be seen by people” at enjoy siya kasi “dami chicks with pics.”
Naaliw naman si Drakulita sa mabilis na refresh rate ng status ng mga tao: “One day, in-a-relationship, the next hindi na. Noong Monday mukhang clown, by Friday mala-prince na yun. Sobrang bilis magbago!”
Para kay Katrina naman, “nakakatuwa yung pag-a-add ng friends.”
“Nagla-logon ako sa Friendster para makakilala ng mga bagong kaibigan and at the same time to connect to long-lost old friends,” sabi naman ni McBien.
Nang tanungin kung bakit adik siya sa Friendster, ang sagot ng sikat na sikat na si Lagsh ay: “Bakit nga ba? ‘Di ko rin alam. That’s the magic of it.” Basta ‘di raw niya malilimutan ang “mga comments na guwapo raw ako” sabay hirit, patungkol sa sarili: “Ang babaw!” Palabiro talaga itong batang ito. Biro rin kaya ng paghahanap niya kay Carla? Makita na na kaya niya si Carla sa Friendster? Magkakaroon ba ng ikaapat at huling bahagi ang trilogy niya? Abangan!
Si Handyfemme, naman, na-curious din lang sa Friendster pero ‘di raw siya adik.
Although mas adik sa blogging si wideyeshut, eto ang pinakanatatangi o ‘di niya malilimutang karanasan: “Si Lucky Manzano ang nag-invite sa akin kaya pinaka-memorable sa akin ‘yan dito sa Friendster. He knew me thru blogging. Nabasa kasi niya entry ko about him.” Humirit pa siya ng “O diva? binabasa ng mga papah blog ko?”
Bukod sa pagba-blog, dibersyon ni Bryan sa “nakakautang buhay ng pagtatrabaho” ang Friendster. Pero ang warning niya, “Siyempre, pasimple lang at baka masita ng boss.”
Nakakatuwa rin daw na “may mga long-lost friends akong ngayon ko lang ulit nakita at na-contact, at saka ‘yung pag-realize na kaibigan lang pala siya ng kaibigan ng kaopisina mo, etc. etc.”
Nakakatuwa pa rin, ayon kay Bryan, ‘yung mga taong gumagawa ng testimonials nila para lang masabing friend nila si Piolo o si Troy, etc: “Pakialam ko sa kanila basta ako, friend ko si Jolina saka si Pia Guanio.”
Ako rin, friend ko sina Jolina at Pia, saka sina Darna at Shaider, pati ang isa sa high school idol ko sa Guwapings, si Eric Fructuoso. Pero si Claudine, ni-reject ba naman ako? Buti na lang, ‘di ko na siya crush!
Si Sam, di niya malilimutan “yung in-add back ako ni Basti Artadi, eh ako ata ang megafan nun!”
May kapilyahan naman itong si Wink: “You see… my crush has a girlfriend (but her confirmation is still pending for about a month now *evil cackle*) while moi get to be added right away! (Oh okay… It may not sound special to you, but trust me… it is something, really…)”
So ganun kasaya ang mga Friendster experiences ng friends ko.
Ako naman, touched nang sabihin ni Roovin, isang barkada ko sa Kalayaan Residence Hall, na it’s “a sweet surprise” na magkita kami sa Friendster. Tagal ko na kasing hinahanap ‘tong mga ‘to, tapos ‘yung isa pala sa kanila, sa Friendster ko lang mami-meet ulit matapos ang mahigit kalahating dekada!
Ikaw, niyaya mo rin ba ang girlfriend ng kapatid ng kapitbahay ng pinsan ng kabarkada ng kuya mo na sumali sa Friendster?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.
February 29, 2024
Converge paints the nation purple, boosts fiber internet plans
FiberX Plan 3500 is now 1 Gbps!
January 8, 2024
LG webOS upgrade coming to older TVs
The webOS Re:New program will bring the latest webOS upgrade to certain 2022…