Ni Joi Barrios
Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy – Alliance of Concerned Teachers
Ang akala ng lahat
May layang magpahayag,
Ngunit tayo lang ay nalingat
May batas nang di mapaliwanag.
(Mayroon nga ba talaga? Tiyak na tiyak?)
May estasyon sa telebisyon,
Bawal magbilang ng resulta ng eleksiyon, May pahayagang waring pinagbawalan Tumanggap ng adbertisment ng kalaban.
Tanging ang Madam at kanyang mga katuwang, Ang sa bolang kristal ay may tangan-tangan.
Gloria Gloria salamangkera.
Pinagbubuhol na parang panyo ang balota, Paghugot sa sumbrerong mahiwaga, Lilipad ang kalapating may dalang korona.
Dali-daling ipuputong sa salamangkerang reyna.
Mga kababayan, magbantay, mangamba.
Walang demokrasya hanggat may pandaraya.
Walang kalayaan hanggat bawal magsalita.
Lumabas sa dilim,
Hiwaga ng salamangka ay itakwil.
Taumbayan ang siyang dapat na mangusap.
Taumbayan ang mananaig nang higit sa lahat, Tayo ang taumbayan, at nasa atin ang lakas!
Ika-24 ng Mayo 2004
(This poem about the magic show euphemistically called presidential election is written by Dr. Joi Barrios, cultural committee head of the Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy, UP chapter (CONTEND-UP). CONTEND is a member-organization of the Alliance of Concerned Teachers (ACT).– Danny Arao)

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
May 29, 2022
Oracle Red Bull Racing to bare 2022 NFT set at Monaco F1
Oracle Red Bull Racing launches its second NFT collection at the Monaco Grand…
Madam tutuo ba ang bantang sayo? o denoktor lng ito
naks…
out of the desire to spread the message, nagawa ko pong nakawin ito. paumanhin po. nasa journal ko pi-nost.
TY. XD
hehe
hay kawawang abc5. gusto ko pa naman ung channel na un dahil… dahil…
sila ung nagpapalabas ng american idol. wehehehe.