(November 28, 2006 update: Ang bagong kopya ng dokumentong ito ay mula sa Filipiniana.net)
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Andres BonifacioItong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon (=Japan), sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao’y inihalo’t ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na “Pacto de Sangre†ng haring Sikatuna * at ni Legaspi (= Miguel Lopez de Legazpi ) na pinakakatawanan ng hari sa Espana.
Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at taga-Holandang nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan.
Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.
Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagi nang gingambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, bao’t mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na Kastila; ngayon tayo’y nalulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo tayong nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuwiran na sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan, ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya’y tanaw sa ting mga mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katuwiran, na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, lalo’t lalong kaalipustaan at lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katuwiran ang tayo’y umasa sa ating at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo na katuwiran ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang isip at akala at nang tayo’y magkaisa na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang ani na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y inuumang ng mga kaaway.
Kaya, O mga kababayan, ating idila ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang atin lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayan tinubuan.
* FN Sikatuna in this document would refer to Rajah Sikatuna who was the ruler of Bohol when Miguel Lopez de Legazpi came to the Philippines.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
August 22, 2022
Jollibee opens in Times Square
Jollibee on Thursday officially took its place at "the crossroads of the world"…
bakit po sinulat ni bonifacio ang mga dapat mabatid ng mga tagalog…anu ung dahilan nya bkt nya sinulat?
me den.ahaha=)
pilipino me.haha:0)
in your own words kuya ederic,,,,what does the essay means???(^_^)
Why not make Bionifacio our national hero???
You’re welcome, lady-monique.
Hello… thanks for the article, it’s helpful in my history subject and I am now excempted for my exam 🙂
Hello… thanks for the article, it’s helpful in my history subject and I am oe excemted for my exam 🙂
salamat kuya!
the english version is found at bonifaciopapers.blogspot.com/2005/09/bonifacio-andres_19.html.
helo do u have an english version of it??? pls i ned it for scholworks.. thanks
another upcoming online publication would be the COURT_MARTIAL PAPERS on the arrest, trial and execution of ANDRES BONIFACIO and his brother PROCOPIO. the online document would feature, the testimonies of the witnesses, Andres Bonifacio, Procopio Bonifacio and Gregoria de Jesus and the subsequent verdict of the court, eerie isn’t it…
i heard they will be digitizing the first editions of noli me tangere and el filibusterismo IN SPANISH, cant wait for it! would be nice to practice my spanish on rizal’s two novels
Salamat din sa pagdaan, bisyo. Asteeg nga yung ginagawa ng Filipiniana.net. Yung isang site ko naman, Pinoyebooks.com, mga current and free books by Pinoy writers ang inilalagay ko. 🙂
Thanks ederic for sighting adres bonifacio’s letter..sarap nga sya basahin..i have been to Filipiniana.net and read more articles on their site and its very informative. Cno kaya mga researcher nila? They are digitizing rare books and manuscript and for sure marami pa sila ilalabas..
Si Andres Bonifacio nga po ang sumulat ng “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”. 🙂
nabasa ko na yan sa libro namin…..dba from andres bonifacio yan>>>>
ang saya maging pilipino
Hello Ederic,
Is there or has there been any effort by someone or a group to e-publish writings by our Filipino heroes/nationalists? I hope there is. Please advise. Thanks
Bert
Thanks Ederic.
It’s cool though and your site is full of wonderful informations. Good job. 🙂
Merry Christmas and Happy New Year
ChorusLineA1QMS : The article was written by Andres Bonifacio more than a century ago.
Wow, this is deep Tagalog. I am not quite sure I truly get the meaning behind the article.
Tanong ko lang po:
Ano po yung e-mail address at snail mail address ng Wish Ko Lang?
Salamat po.
NICE WEBSITE! KEEP IT UP!
PLEASE VISIT NAMAN THE WEBSITE THAT LINKS TO YOU OF SARAH RAYMUNDO AND BOGART JAIME They might need your help in answering COMMENTS from Ang Heretiko:
I have, finished reading your rebuttal of Ms. Evangelista’s column. Let me say first that I know none of the principal players personally: Lani Abad, Patricia Evangelista, Sarah Raymundo. And I have no connections with any of the organizations or institutions you mention. Save for the UP, but that is merely sentimental.
My general impression, if you will indulge me, is that this is a polemic of ENVY, that the authors are the ones that are consumed by “nouveau riche predispositions” although they probably wanted to say “petite bourgeois class traits”.
I think Ms. Evangelista is a perfectly wonderful young voice and talented writer on the Philippine scene. The authors cannot begrudge her being given the opportunity to write a column for the Philippine Daily Inquirer, considering that she won a prestigious speaking contest and bested 59 other great talents from all around the Anglosphere. Just because the authors did not happen to accomplish such a feat themselves is no reason to attribute Ms. Evangelista’s success to something as sinister as her “negotiations with the state apparatus.” Perhaps in other places which they admire like Cuba or North Korea or Utrecht such negotiations do occur and all columnists are devoted to a fixed party line. But I think Ms Evangelista has a column based on merit, pure and simple, and the authors here are just, well envious and frustrated and given to hyperbolic accusations against the young lady writer.
Now I do not know if Prof. Lani Abad is a ” the totalitarian monster and dogmatic activist” or is actually “ironic, witty, and sophisticated.” I suspect she is a lil of both. But I do know that the authors are being a tad, INTENSE, about such a lil thing as an opinion column in the broadsheet.
What I suggest they do is submit this SCREED to the Editor of the Inquirer and see if it MERITS the attention of the public.
I mean no disrespect and hope to convince you of my point of view. I believe we all learn the most from those who disagree.
Ang Heretiko