Nabasa ko ‘yung post ni Jaemark tungkol sa mga bagong bili niyang libro at naalala ko ‘yung Tinig ng Generation Txt article ko na nagsasabing itinatatwa natin ang label na “Generation X” sa kabataan label dahil ito’y nangangahulugan ng pagiging lito at walang direksyon.
Pero ‘yung librong pinagmulan ng label na ‘yun, ang Generation X ni Douglas Coupland, ay nagustuhan ko. Kahit maraming konseptong dayuhan sa akin, gaya ni Jaemark ay naka-relate rin ako sa mga karakter at sa kanilang mga pananaw sa kawalang katiyakan na dala ng panahong ito, sa pagnanais na maglakbay, sa mga usapan tungkol sa buhay, sa mga kuwento ng pagkakaibigan at pag-iibigan.
Pinakatumimo sa isipan ko ‘yung bahagi tungkol sa earth memory–one moment, which for you, defines what it’s like to be alive on this planet.
Minsan, sa isang inuman, itinanong ko ito sa mga kaibigan ko sa kolehiyo. Naging masaya ‘yung kuwentuhan.
Maaari ko bang itanong kung ano ang sa ‘yo?

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
August 19, 2024
NAFA presents ‘Prismatic: Ang Ah Tee’
Exhibition showcases 40 recent works of Singapore Cultural Medallion recipient.
July 24, 2023
NAFA presents Southeast Asian Arts Forum 2023
The forum is a continuation from last year’s sustainability-centered theme.
myla: actually mas like ko din ang microserfs.
Nabasa ko yata ‘to nung 15 years old ako. Hehe. Kaya siguro di ko magets nung una.
Ganyan din yung cover ng book ko. 🙂
yung akin yellow ang cover pero pink yung design na parang clouds.
nagustuhan ko rin itong book pero mas gusto ko Microserfs 🙂
hmm, iba yung cover nung sa akin…
Rasp: siguro, puno na ang baul ng earth memories mo, hehe.
Vince: ganyan din ‘yung kulay ng Generation X ko kaya ‘yan ang ginamit kong cover dito sa blog ko. Nawawala rin ‘yun. May humiram na ‘di nagbalik.
*sigh* na-miss ko tuloy yang libro ko. i think i lost it. grr. and i really loved the cover pa mandin. obviously kasi pink. hehehe!! god, can i be more gay?!?
One memory? Mahirap yata kasi sa totoo lang (and ito walang stir) maraming magagandang memories sa buhay ko kapiling ang asawa at anak ko….
Siguro…. one moment na hindi ko malilimutan…. nung tapos na ang aking maternity leave and the next day papasok na ako sa office – Nung gabing yoon, katabi ko baby ko and umiiyak ako… hindi ko alam kung kalungkutan, o kasiyahan, o proud ako sa baby ko, pero I was overwhelmed with a myriad of emotions…. Yun siguro ang earth memory ko…