"Wiretappan", Tuksuhan at Dasalan

Habang umiinit ang isyu ng Juetengate 2 rito sa Pilipinas, kumukulo naman ang usapin ng Gloriagate. Ang dalawang eskandalong ito kaugnay ng Pangulo ay magkasunod na bumulabog sa Malaca?ang.

Pero kahit nahaharap sa krisis sa pulitika dahil dito, mapagbiro pa rin tayong mga Pilipino.

Unang pumutok ang Juetengate 2: isang testigo ang nagsabing sina Mike, Mikey, at Iggy Arroyo ay tumanggap ng suhol mula sa mga jueteng lord. Lalo namang lumala ang eskandalo sa umano’y wiretapped na usapan sa cellphone nina Pangulong Gloria Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcillano tungkol sa pandaraya raw nila sa nakalipas na eleksyon.

Unang pumutak si Sec. Ignacio Bunye, ang tagapagsalita ng Pangulo. Sinabing may balak daw ilabas na tape ang oposisyon na ang layunin ay pahinain ang administrasyong Arroyo sabay namahagi ng CD nito sa media. Kumbaga, inunahan na niya ang mga kalaban sa pagnanais na pahinain ang impact ng ibubulgar nila. Kaya lang, lalong lumaki ang usapin nang lumutang si Atty. Samuel Ong, dating deputy director ng NBI. Direkta niyang inakusahan si Pangulong Arroyo ng pandaraya sa eleksyon. At ang hawak daw niyang wiretapped tapes ang ebidensiyang magpapatunay nito.

Ngayon, ayaw nang magsalita ni Gloria tungkol sa isyu. Pero ayaw siyang tantanan ng mga biro sa text na patuloy na ipinapasa ng mga texter na Pinoy. Heto ang mga sample na inipon ng PCIJ sa kanilang blog. Medyo magdagdag-bawas lang tayo ng konti.

Sa dami ng mga batikos hindi magawang magsalita ng ating presidente.
Bakit?! ?????????.
Mahirap na. Baka mabosesan!

***

Latest news update: Iggy Arroyo is now practicing the voice of GMA.

***

News: Nakatakdang aminin ni Iggy Arroyo na siya ang babaeng boses sa tape. Napabalitang bumalik siya sa kanyang bayan para pag-aralan gayahin ang boses ni PGMA.

***

Woman: Garci, dy, pasahan mo naman ako ng load, este, ng vote?.

***

Opposition: Why can?t GMA come out and say ?I?m not the Ma?am in the tape??
Malaca?ang: She doesn?t want to lie.

***

Ang mga nangyayari sa ating bansa parang teleserye:
Yung jueteng scandal ang title “Mga anak ng jueteng.”
Yun namang gloriagate scandal “Tap si glo!”

***

Babae: Lahat ng mga Arroyo ay magnanakaw.
Lalaki: Ang sakit mo namang magsalita.
Babae: Bakit? Isa ka ba sa mga Arroyo?
Lalaki: Hindi. Magnanakaw ako!

***

Q: What special feature is added in the cellphones of Mike and Mikey Arroyo?
A: Call Jueteng.
Ssssshhhhh! Naka-wire tap, si Gary ito huh!

***

Aba naman Gloria napupuno ka ng grasya.
Ang kayamanan ng tao ay sumaiyo na,
Bukod ka pinagpala sa babaeng lahat.
Pinagpala rin ang iyong angkan. Wala nang natira sa
AMEN.

Meron tayong mas mahabang version nito:

Aba, Ginang Gloria napupuno ka ng grasya.
Ang kayamanan ng tao ay sumaiyo na.
Bukod kang pinagpapala sa babaeng lahat
at pinagpala naman ang iyong anak na si Mikey.

Santa-santitang Gloria, ina ni Lion King
Ipanalangin mo na kay Bush ang iyong mga kasalanan
Ngayon at baka mamaya ay magkaisa ang bayan at paalisin ka na.
Amen.

***
Hindi lang ‘yan. Mayroon pang “Hello, hello, Hello Garci ring tone” na kumakalat sa Internet at pinagpapasapasahan din sa mga cellphone. Gusto n’yong marinig? Daan kayo sa http://ederic.fil.ph at hanapin ninyo roon. O kaya, text n’yo ko.

Leave a Reply