Umamin na si Ate Glo!

Umamin na si Ate Glo na nakipag-usap nga siya kay Garci pagkatapos ng bilangan. “I was anxious to protect my votes and during that time had conversations with many people, including a Comelec official,” sabi niya.

Humingi rin siya ng paumanhin sa sambayanan: “That said, let me tell you how I personally feel, I recognize that making any such call was a lapse in judgment. I’m sorry. I also regret taking so long to speak before you on this matter.”

Pero sabi nga lang ni Dao Ming Si ng Meteor Garden, “Kung matatanggap ang pasensya, hindi na kailangan ng parak.”

0 thoughts on “Umamin na si Ate Glo!”

  1. Ederic,

    Sinubabayan ko nga kanina ang balita. Akala ko mag-aanounce na ng resignation si GMA. Medyo fast forward ang iniisip ko, hehehe, mali pala!

    Ang tanong ko na lang ngayon. Ano ang susunod na mangyayari?

    Ventot,
    muling mag-aabang

  2. May mga umasa nga ng ganyan. Kaya lang, mukhang mahal talaga ni Ate Glo ang kanyang trabaho. Mukhang kailangang hilingan pa siya na umalis dahil wala siyang balak.

    Siyempre, muling hinati ng kanyang pahayag ang Pilipinas–may mga fans ng BobongPinoy.com na lumambot ang puso at naawa sa kanya. Mayroon din namang mas lalong nairita.

  3. Pinuntahan ko yung website ng BobongPinoy.com at wala namang nakasaad dun ah? Hehehe.

    Ano naman kaya susunod na iskandalo? Subaybayan nalang natin ang susunod na kabanata. Ah.. may jueteng gate pa pala. Di pa tapos yun ah. Sana aminin rin niya yun.

  4. Alam nyo, nakakapanginig talaga ng laman yang si nunal. Dapat pag amin nya sabay resign. Biro mong sabihin na lalo pa daw nyang pagbubutihin ang kanyang panunungkulan, samantalang in the first place, hindi sya dapat ang nakaupo don! Niloko na nya ang sambayanang Pilipino tapos ngayon lolokohin na naman nya! Pano na in the future? Pwedeng dayain ang eleksyon, anyway, pag nanalo na at nakaupo na, hihingi na lang ng patawad pag nahuli and everything’s okay???? Ganun ba yun???? Uulitin ko, super tatanga na lang siguro ng mga Pilipino na papayag pa na magpatuloy ang panunungkulan ni Gloria!

  5. ako natakot ako don sa ginawa nyang pag-amin. ang dating kasi sa akin, gagawin nya ang LAHAT manatili lang sa pwesto. nakakatakot kasi kung hindi umubra yung gimik nyang paawa-epek-na-halata-namang-hindi-sincere, ano kaya ang pwede nya pang gawin? hmmm…

  6. kung patuloy nlng lagi na ganito ang nagyayari sa mga pilipino aba’y … san kaya tayo pupulutin kung patuloy nating hahayaan at babaliwalain ang mga pinag gagawang katarantaduhan ng mga matataas na opisyales ng gobyerno., ampness talaga si GMA., nung mga panahaon na yon, sigurado akong alam naman nia ang mga pinag gagagawa niya dba? mabuti nalang nga at nabuking siya! kung nagkataon pala ay magmumukang timang nanaman tayong mga pinoy. hay!

  7. Nakakawalang ganang malaman na ang karapatan ng isang taong bumoto ay parang wala ring kwenta. Parang ayaw ko na rin isipin kung ano ang mga susunod na mangyayari. Araw-araw, nagigising ka sa mas malalang problema – langis, pamasahe, VAT, katiwalian sa gobyerno. Kelan pa matatapos ang lahat ng ito?

    Ay, Ederic. Hindi si Dao nagsabi nun. Yung F4 na payat at maganda ang buhok ang nagsabi. At ang mga salita, ganito: “Kung pwede na ang sorry, para saan pa ang pulis?” Haha.

  8. Huli talaga balita sa ibang bansa kaya kailangan up to date ka through internet. Sa kabilang banda, nakakalungkot malaman ang balitang ganyan. Gusto ko man umasa na magbabago pa ang mga politiko, lalo lumalakas ang resolba ko na hindi ako nagkamaling umalis sa Pinas.

  9. i think its a wishful thinking that she will resign.
    she will not be desperately “protecting her votes” if
    she don’t intend to stay in power…she’ll be fighting way down.
    hindi siya kasing bait ni erap…he he he…

    sabi nga ni ping: lokohin niya lelang niya…

  10. Remembered my speech during the protest action at Welcome
    Rotonda last night…tanda ko pa…sobrang tanda sa galit at inis:

    Walang puwang ang kapatawaran sa mandaraya!
    Gaya ng ang mga mag-aaral ay pinaparusahan kapag
    nanghuling nandaya, bakit ang president ay di pwedeng panagutin!
    Walang pag-asa at walang mapapala ang batayang sektor
    sa patuloy na paniniwala sa mga panlilinlang ng isang
    walang habas na sinungaling…

    Sapul ka na Madam President. Sayang lang ang boto ko!
    Sa pangalawang beses na pagtataksil at pagsisinungaling,
    walang tiwalang dapat asahan mula sa gubyernong ito…
    sa pangulong nuong una’y nagsabi na hindi siya tatakbo
    subalit binawi sapagkat ang nasa isip ay hindi siya tatakbo
    hangga’t hindi nasisiguradong makakamtan ang isang milyong
    lamang at hindi tatakbo hanggang hindi nasisiguradong ang
    kanyang bataan ay nasa luklukan ng eleksyon…

    Nag-aklas ang mamamayan kay Erap dahil sa kwestiyong moral,
    nag-aklas ang mamayan para sa matinong gubyerno, nag-aklas
    ang mamayan para sa pagbabago!

    Sa pagkakataong ito, sa huling pag-aaklas at paglaban ng mamamayan,
    sistema’y magbabago para sa mamamayang inaapi at pinagtataksilan.
    Patalsikin ang nagtataksil upang iguhit ang naisin ng pinagtaksilan!

  11. nakakalungkot nga ang mga nangyayari nitong nakaraan sayang lang at ang kwentuhang bayan ay wala na sa ere hindi ko tuloy masabi na humahanga ako sa pananampalataya sa nakasakay ko kanina sa jeep may katandaan na sya ngunit kung magtalumpati ay dadaigin pa ang komentarista sa radyo…… sana lang ay bumalik na sya (bobongpinoy.com)

    teka wala na yata akong nasabi tungkol sa topic…. tsuri salamat po sa space 🙂

Leave a Reply