TV Ad at Websites

May bagong television ad si Brother Eddie Villanueva. Decided at passionate ang mga tagasuporta niya na angsasalita sa ad–karamiha’y mga kilala at kapuri-puring mga personalidad. Sabi ng isang kasama ko, nakakapanindig-balahibo si Brother Eddie.

***

Samantala, may nag-comment sa isang entry ko, nagri-request na i-post ko ang URL ng official website ni Noli de Castro, kandidato sa pagka-pangalawang pangulo. Eto na po. By the way, okay ‘yung bolahan nila ni Ate Glo sa TV ad nila, no?

***

May natutunan akong word kagabi–na-jamby. Ang kahulugan nito, ayon sa pagkakaintindi ko sa paliwanag ng kasamahan kong si JR na taga-Ateneo, ay nagulat. Di nga ba kasi, isang umaga ay nagising na lang tayo noong 2001 na may mga nagsulputang malalaking mukha ni Jamby sa mga billboards? So ganun, na-jamby tayo. Gets n’yo?

***

Habang isinusulat ko ito, ipinapalabas naman ang ad ni Digs Dilangalen, kandidato ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino. Naalala ba ninyo noong bago pa man magsimula ang impeachment kay Erap Estrada? Ito ‘yung makulit at maingay na binara nang todo ang pagkanta ni Chavit Singson. Dadalhin ba natin siya sa Senado?

***

May isa namang nag-e-mail din sa akin ng link ng Bayani Fernando Exposed! na mukhang anti-Bayani site. Teka, hindi na tatakbo si Bayani, di ba?

0 thoughts on “TV Ad at Websites”

  1. Bakit ba ganun? Pag naririnig ko si GMA magsalita eh parang nanloloko sya na parang matatawa ako. Lalo na kung magkasunod sila ng “broadcaster-voice” ni Noli… Noh? šŸ™‚

    Ewan. Hehehe. Ederic, project natin!?

Leave a Reply