Tula ni Lakambini

Nitong huling dalaw ko sa Center for Media Freedom and Responsibility, sinabi sa akin ng mga dati kong kaopisina na may nalathala raw na tula ni Myla sa Philippine Graphic kamakailan. Hindi namin namalayan ang pagkakalathala ng tula dahil mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang ipasa ito ni Myla. Ayon sa sources namin, mismong ang national artist na si Nick Joaquin ang pumipili sa mga tulang inilalabas sa Graphic. Asteeg, di ba?

Kung may pera at panahon pa kayo, sana makakuha kayo ng mga natitirang kopya nitong magazine na ang cover ay kasama ng post na ito. Nasa ibaba ang tula.

Writing moments
 
I feel the need to write
with my head
I feel the need to catch
the words that come flying
across the wind
before they leave me
for another drifter
Rain pours softly
like a song from a past
I could not remember
Sad thoughts come running
through my hands, into thin paper
And I forget to breathe when
tears fail to leave my eyes.

Words come to me like
morning hunger strikes
Subtly first, then gently
eating away sentience
until one can think of nothing
more but the moment
of multicolored themes.

I feel the need to write
While silence fills the second
And I remember to be a stranger
To a world where everything
freely questions anything
Dysfunctionality then
becomes my very nature.

No one joins me in this place.
I lock myself firmly
with a cloud of smoke,
my pen and paper,
my solitude and hunger
As I try to catch the words that
come flying across the wind.

-Myla H. Torres

0 thoughts on “Tula ni Lakambini”

  1. Maganda ang tula, naipahayag ng mabuti ni Bb. Myla H. Torres ang kanyang saloobin tungkol sa larangan ng pagsusulat.

    Bayaan mong ibahagi ko ito sa aking ibang mga kamag-aral na mahilig magsulat.

  2. hi ederic!

    tuwa naman ako sa iyo, ever the supportive boyfriend! kudos kay myla… first the inquirer, then the philippine graphic, tomorrow the WORLD! galing talaga ng mga taga UPJC! hehehe

  3. Saglit ng Pagkatha

    Hangad ay kumatha
    Gamit ang kamalayan
    Kailangang mahuli
    Ang mga salitang mailap
    Na sumasayaw sa hangin
    Bago nila ako iwanan,
    Ipagpalit sa isa ring
    Naghahanap.

    Malambing pa ang buhos ng ulan
    Tulad ng awit sa isang gunita
    Na di ko na rin maalala
    Nagpapasaring ang kalungkutan
    Sa aking mga kamay,
    Na dumadaloy naman
    Sa isang manipis na papel
    Limot na ang pagsinta
    Dahil nakaantabay
    Sa mga patak ng luha.

    Dumarating ang mga salita
    Tulad ng gutom sa umaga,
    Hindi matindi sa simula, ngunit
    Unti-unting dumadausdos
    Sa katinuan hanggang
    Maipit na lamang ang sarili
    Sa sangandaang sulatin.

    Hangad ay kumatha
    Habang wala pang imik
    Ang pagkakataon
    Tulad noong bagong-salta
    Pa lamang ako sa isang mundo
    Maraming tanong ngunit
    Salat sa sagot.
    Hindi ko ito matanggap
    Kaya minsan akong
    Nawalan ng halaga
    At dahilan.

    Nag-iisa ako rito.
    Inaakap ng mahigpit
    Ng mga alapaap na usok,
    Ang pansulat at sinusulatan,
    Pangungulila at gutom,
    Habang sinusubukang
    Hulihin sa hangin
    ang mga salitang
    Mailap sa akin.

    (ni Myla Torres, salin ni Remir)

Leave a Reply