Trahedya sa Lucena

Apektado ako sa balitang banggaan ng dalawang bus sa Lucena City kahapon na nag-iwan ng limang patay at halos 20 sugatan. Bukod sa ang ruta ng mga bus na nagkabanggaan ay siya ring dinaraanan naming mga taga-Marinduque kapag uuwi ng probinsiya, Mayo 16 kasi kahapon–ang ika-12 taon naman ng trahedya ng Viva Antipolo VII. Pumanaw ang Mama ko sa aksidenteng iyon sa dagat sa pagitan ng Marinduque at Lucena.

Nalungkot lang ako sa coincidence. Dalawang magkaibang aksidenteng 12 taon ang pagitan, pero tiyak na pareho lang ang naramdaman namin noon sa nararanasan ngayon ng mga kaanak ng mga nasawi.

Ayokong maramdaman muli o maalala man lamang ang ganoon, pero nang marinig ko ang balitang ito (at nang ni mabasa ko ang ikinuwento ni Noemi) ‘di maiwasang dumalaw sa gunita ang malaon nang pighati.

3 thoughts on “Trahedya sa Lucena”

  1. I’m sorry for what happened to your mom 12 years ago 🙁
    at syempre condolence sa mga naiwan ng binawian ng buhay sa aksidente ..akala ko lima yan noong nanood ako ng balita buti naman isa lang pala.

Leave a Reply