Trahedya at alaala

Kahit nagtatrabaho ako ngayon sa isang estasyon ng telebisyon, at kung tutuusin ay sanay nang makaranas at makarinig ng mga trahedya, minsa’y iniiwasan ko pa ring mapanood ang mga balita tungkol sa mga nagdadalamhating kaanak ng mga nasawi at nawawala sa paglubog ng M/V Princess of the Stars ng Sulpicio Lines.

Pamilyar sa akin ang pagkapagal, ang kawalan ng katiyakan at kawalan ng pag-asa, at ang sa huli’y napakasakit na pagharap sa katotohanan ng kanilang paglisan. Ang bawat palahaw ay tila sarili kong sigaw ng pighati; ang bawat hikbi ay sarili kong hagulgol.

Sa bawat trahedyang ganito, muli at muling ibababalik ng pagbabalita namin alaala ng sarili kong pagluluksa nang kunin ng dagat ang buhay ng aking ina habang lulan ng M/V Viva Antipolo VII mahigit 13 taon na ang nakakaraan.

2 thoughts on “Trahedya at alaala

  1. Sobra, sobrang nakakaawa ang mga nawalan ng pamilya sa Princess of the Stars ng Sulpicio Lines. Pati BBC ng UK ay pinalabas yan sa news, dito sa CTV pinapakita parati. Pero nanonood din ako ng Phil. news sa TFC (sorry Ederic, di kami maka-transfer sa GMA kasi may contract).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *