Terror, Terror on the Wall

Kakaiba. Nagsipagsarahan ang mga embahada. Nangagkahintakutan ang mga dayuhan. Pugad daw kasi ng mga terorista itong ating pudag ng luha at dalita. Na-bad trip tuloy ang reyna at ang kanyang mga ministro. Ahem, ahem. Naalala ko yung patalastas: “Sino ang dapat sisihin?” Masamang magsisihan kadalasan, pero kung minsan, upang malinaw ang isang bagay, dapat ituro ang salarin (pakibigkas nang tama, hehehe). Ang tanong: sino ba ang nagkaon ng daan-daang sundalong Kano rito upang supilin ang mga bandidong terorista raw? Sino ba ang nangampanya sa Europa para tawaging terorista ang mga rebelde? At sino ba ang ang agit na magkaroon ng Anti-Terrorism Bill? Sino ba ang dahil sa pakikigaya at pag-iidolo sa United States ay nagpalala ng problema sa terorismo sa Pilipinas? Tagal nang sinasabi na dahil sa pagpapaka-puppy na ‘yan, nag-iimbita tayo ng gulo. Ngayon, ayan na, unti-unti nang nakikita ang resulta.

0 thoughts on “Terror, Terror on the Wall”

  1. ok yang talumpati mo ha!!!! dabest igawa mo nga ako plsss…..
    d n ako marunong gumawa ng talumpati ehhhh!!!!!!!!!1
    salamat kung igagawa mo ako (.”)

Leave a Reply