Terorismo

Umatake na naman ang mga terorista. Habang sinusulat ito, 18 na ang napaulat na namatay sa isang pagsabog kaninang hapon sa Davao International Airport.

Di pa man, nagmumulto na ang mga Iraqi na hinayaan nating lipulin alang-alang sa pagsunod sa trip ng Inang America. Bumabalik na sa atin ang mga kanyong ipinaligo natin sa mga kabayayan nating Moro.

0 Replies to “Terorismo”

  1. Don’t you think that the US war on Iraq has nothing to do with this? The conflict in Mindanao is bad enough by itself that the government’s “enemies” do not need more reasons to do such a thing. Opinyon lang po. 🙂

    Hoy ederic, musta na? Buhay na pala site ko, http://peyups.com/markku . Promote mo naman ako. 🙂

  2. medyo malalim ang language at di ko gaanong matarik 🙂

    bad news talaga ang nangyari. sa puntong anti-war, magkakasundo tayo 🙂 ayoko ko rin ng giyera lalo na kung pakana ng bush family.

    btw, temb, we’re going to organize a forum on human rights issues in the anti-terrorism bill. do you know of a group or person/s who’s a staunch critic of the bill whom we can invite as speaker?

  3. Naaalala ko ang pananambang kay Juan Ponce Enrile noong 1972. Pagkaraan ng ilang tao’y aaminin niyang palabas lamang ito upang bigyang-“katwiran” ang pagpapairal ng batas militar.

    Masisisi ba natin ang mga mapaghinala kung isipin nilang baka ang pambobomba sa Davao ay kagagawan ng ilang makapangyarihang sektor upang bigyang-“katwiran” ang pagpapapasok sa mga sundalong Kano sa Mindanao? Nakapagtatakang nangyari ito sa isang panahong maigting ang pagtutol ng mga tao–kabilang ang maraming iba pang sektor bukod sa mga grupong aktibista–sa panghihimasok ng Amerika sa Sulu.

Leave a Reply