My cousin's wedding

Si Kuya Alidan at akoSa text ko sa ilang kaibigan, sabi ko’y “Ang pinsan ko’t kababata, pamilyadong tao na, samantalang ako’y tila musmos na naglalaro pa rin sa masalimuot na mundong ito.”

Sabay kaming lumaki ni Kuya Alidan, second cousin ko. Tatlong buwan lang ang tanda niya sa akin. Lumaki kaming magpinsan, magkabarkada, magkalaro. Sabay kaming nag-grade one at magkaklase kami sa halos buong elementary at high school — minsan lang yata kaming nagkaiba ng section. Minsan may konting tampuhan at selosan din, lalo na nung maliliit pa kami. Pero malakas ang buklod ng pamilya Penaflor kaya anuman ang mangyari, andyan pa rin kaming magpipinsan para magtulungan.

Continue reading