Mga dilaw na laso para kay Tita Cory

Yellow ribbon

Sa kanyang paglisan, ihinatid natin si Pangulong Corazon Aquino sa pamamagitan ng mga dilaw na laso.

Noong Agosto 1983, yellow ribbons din ang ipinansalubong ng mga Pilipino sa kanyang asawang si Ninoy.

Pinangunahan ni Salvador Laurel — na pagkatapos pagsapit ng 1986 ay magiging vice-president ni Cory — ang pagsalubong kay Ninoy. “Tie a Yellow Ribbon ‘Round the Ole Oak Tree” ang naging theme song ihinandang welcome, ayon kay Angela Stuart-Santiago, may-akda ng EDSA: The Original People Power Revolution.

Nagtali ang mga tagasuporta ni Ninoy ng yellow ribbons sa airport, sa mga poste at puno sa gilid ng kalsada para makita ni Ninoy kung gaano kasaya ang mga Pilipino sa kanyang pagbabalik. “It was sad that Ninoy never saw those ribbons,” ani Stuart-Santiago said. Pinatay si Ninoy pagbaba niya sa eroplano.

Ginamit ni Cory ang dilaw bilang kulay ng pagsalungat. Ito na rin ang naging kulay ng kaniyang presidential campaign at ng unang EDSA Revolution na nagpabagsak sa diktaturang Marcos.

Continue reading

'I wanna go out! Stupid rally.'

“I wanna go out! Stupid rally.”

Sa pagsubaybay ko kahapon sa reaksyon ng Twitteria* sa rally sa Makati, isa ang pahayag sa itaas sa mga natanggap ko sa aking telepono. Kinikilala ko ang karapatan nila sa kanilang opinyon, pero dahil open to the public ang tweets** nila, pahintulutan ninyong sagutin ko sila rito. Hindi ko na ili-link sa profile nila. Hanapin ninyo na lang kung nais ninyo.

Sa unang twit: Kawawa ka naman. Hindi ka nakagimik because of that stupid rally. Sana you went out to Ayala Avenue and made baka na lang. Better do a stupid thing than tolerate evil, di ba?

“Ugh. Rally again. Those bloody bastards wouldn’t leave Makati alone.”

Continue reading

Mas murang tweeting

(Note: nang malapit ko nang matapos ang entry na ito, naisip kong mag-search muna kung ang tip na naiisip kong i-blog ay naisip at naikuwento na ng ibang blogger. Tama ang hinala ko. Kaya kung ayaw ninyong basahin ang mahabang kasaysayan ng pagtu-Twitter ko at sa pamagat lang kayo intresado, puntahan na lang ang Markcas.com. Pero kung bored kayo at walang magawa, sige tuloy lang.)

Nang ipakilala ng PinoyExchange noon ang wireless journal service, isa ako sa mga naadik dito. Nagustuhan ko kasi ang ideyang makakapag-post ako sa isang journal ng kahit ano gamit ang cellphone ko kahit saan ako naroon: maging sa jeep man, MRT o sa kubeta. Pero kalaunan, natigil ang WJ ng PEx. Sinubukan ko itong ituloy sa Blogger, pero iba pa rin ang WJ.

May iba pang mga dumating na serbisyong kahawig ng WJ, ngunit karamiha’y pumalpak din. Hanggang sa malaman ko ang tungkol sa Twitter sa site ni Jayvee. Siyempre, na-excite ako at agad ko itong sinubukan. Continue reading