#ParaPoSaBayan: The GMA News-Facebook Jeepney

Bago ang eleksyon, pumasada sa Kamaynilaan ang Para Po Sa Bayan: The GMA News-Facebook Jeepney.

Nagsanib-puwersa ang GMA Network at Facebook para ihatid sa atin ang “Para Po Sa Bayan: The GMA News-Facebook Jeepney.” Sa pagpasada ng GMA-FB Jeep, kinapanayam ni Raffy Tima ang mga vice presidential candidates para mas makilala sila ng mga tao.

Continue reading “#ParaPoSaBayan: The GMA News-Facebook Jeepney”

Pantay-pantay raw

Hanggang alas-tres ng hapon lang daw maaaring bisitahin si Senador Trillanes Antonio Trillanes IV sa custodial center ng Philippine National Police. Hindi raw siya bibigyan ng special treatment ngayong Pasko. Para raw ito masigurong pantay-pantay ang pagtrato sa lahat ng mga nakakulong doon.

Pantay-pantay? May ganoon pang pagkukunwari! Para namang hindi pinatawad ang rehimeng ito ng isang convicted plunderer na kailanma’y hindi umamin sa kanyang krimen. At para namang hindi ipinuslit mula sa kulungan ang isang Amerikanong nanggahasa ng isang Pilipina.

Sabagay, ano nga ba ang bago?

Pang-iinis ni Trillanes

Patapos na ang pag-aalsa nina Senador Antonio Trillanes IV, Heneral Danilo Lim at Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona sa Manila Peninsula.

Sumuko rin sila.

Nagulat lang ako sa reaksyon ng mga tao sa Twitteria, na sa palagay ko’y kapareho ng naramdaman ng marami sa ating mga kababayan. Naiintindihan ko naman sila. Mas masarap nga namang mabuhay sa Enchanted Kingdom kaysa maglakbay tungo sa isang di-tiyak na patutunguhan.

Ito na lang ang nasabi ko: “Sa kaloob-looban natin, gusto rin natin ng pagbabago. Ngunit nagagalit tayo sa mga mapangahas na nais gumambala sa maalwan nating pamumuhay.”

Nakakatakot ang pagbabago.

Sikat na naman si Trillanes

Photo from Antonio Trillanes IV's Friendster account
Hindi na ako nagulat ngayong may pailan-ilan muling nagko-comment sa post kong “Liham kay Lt. SG Antonio Trillanes IV”. Dala marahil ito ng pagdeklara ni Trillanes na tatakbo siya bilang senador. Kahit ang profile ni Trillanes sa GMANews.tv, isa sa mga most read sa mga personality profiles sa site. Ang kanyang unang Friendster account, puno na rin.

Noong kakatapos lamang ng Oakwood mutiny, sobrang naging crush ng bayan ang rebeldeng sundalong ito, at sa isang Peyups article ay sinubukang kong sagutin kung “Bakit Crush ng Bayan si Kapitan Trillanes?”: Continue reading “Sikat na naman si Trillanes”

Liham kay Lt. SG Antonio Trillanes IV

Basahin ang isang sulat para kay Lt. SG Antonio Trillanes IV

Bilib din ako sa tapang nina Trillanes at nakikiisa ako sa kanilang krusadang ubusin ang mga corrupt — teka, kay Joker ata yun ah, hehe — sa AFP.

Makatuwiran at makatarungan ang kanilang ipinaglaban. Mas kapani-paniwala ang mga kabataang ito — mga kabataang tulad natin — kaysa sa mga mukha ng kabulukan at kasinungalingan na nagmamaganda at nagpapakabida sa mga ugnayang pangmadla.

Sumasang-ayon din ako na ang dapat sana’y maaaring pagbabagong idudulot ng kanilang pagkilos ay mas nakahihigit sa ang umano’y masamang epekto ng kanilang ginawa sa ekonomiya.

Ngunit sa kabila nito, ang liham sa ibaba ay nakapagpatawa sa akin nang mabasa ko ito. Dahil aliw, ipinost ko ito rito at at ifinorward sa iba ko pang mga kaibigan. Ang tingin ko kasi rito ay hindi naman talaga pang-iinsulto. Mas ikino-consider ko ito na bunga ng kultura nating mga Pinoy, na kinabibilangan ng pagiging kuwela sa alinmang sitwasyon. Parang seryosong komentaryo ito sa nangyari na itinatago sa likod (o gitna?) ng nakatatawang pang-iinis.

Continue reading “Liham kay Lt. SG Antonio Trillanes IV”