Sinuwerte ako sa Top 10 Emerging Influential Blogs in 2008

Hindi ako nakadalo sa eyeball ng Top 10 Emerging Influential Blogs in 2008 ni Janette Toral dahil sa napakahalagang bagay — trabaho. Na-miss ko nga ang cybercelebs na nakasama ko sa parehong event noong isang taon gaya nina Benj, Shari, Ricky, Coy, Poyt, Jeff, Gibbs, at iba pa.

Pero di man ako nakadalo, pinalad naman akong manalo ng isandaang dolyar sa raffle!

Last year, lima sa sampung pinili ko ang napasama sa listahan ng emerging influential blogsi. Ngayong taon, apat lamang sa mga nominado ko ang nanalo (tingnan ang naka-bold):

  1. Manila Foodistas
  2. Filipino Voices nina Nick, atbp
  3. Visit Sagada
  4. Missing Carlo ni Mica Rodriguez
  5. Mar Roxas for President in 2010 blog ni Kevin Ray Chua
  6. You Got Tech nina Aileen Apolo at mga kaibigan
  7. The Not so Talented DJ Montano
  8. Davao Delicious
    Music Picks
  9. Bariles Republic
    Fritzified
  10. Bloggers Da Who

Continue reading

My Top 10 Emerging Influential Blogs 2008

Noong isang taon, lima sa sampung nominado koAn Apple a Day, The Philosophical Bastard, The D Spot, CokskiBlue, at Gibbs Cadiz — ang napasama sa Top 10 Emerging Influential Blogs. Narito naman ang mga nais kong mapasama ngayong taon:

  1. Among Ed – Blog ni Among Ed Panlilio, ang paring naging gobernador ng Pampanga matapos talunin ang mga kilalang traditional politicians. Samahan natin siya sa pagsusulong ng mabuting pamamahala. Tumulong ang aming grupo, ang Bloggers’ Kapihan, sa paglulunsad ng blog ni Among Ed sa Pampanga.
  2. Jun Lozada – Ang “probinsyanong Intsik” na umamin sa mga sariling pagkakamali at ibinisto ang kabulastugan sa NBN-ZTE deal. Niyanig ng mga pahayag ni JLo ang trono ng reyna sa Palasyo. Daan-daang mga komento, kapwa papuri at panunuligsa, ang sumasalubong sa mga blog entry niya. Tumulong din ang BK Crew sa paglulunsad ng blog ni Among Ed sa Pampanga.
  3. Bloggers’ Kapihan – Pagkatapos ng tatlong kapihan at dalawang blog launch, patuloy pa ring nagpaplano ang BK Crew — na kinabibilangan ko — ng mga susunod naming gawain. Sa pagitan ng mga kapihan, nagba-blog muna kami.
  4. Mar Roxas for President in 2010 – Bilib ako sa dedikasyon ni Kevin Ray Chua, ang may-ari ng blog na ito, sa kanyang pagsuporta sa kababayan at idolo niyang si Mar Roxas. Walang pagod si Kevin sa pagpo-promote kay Roxas at sa kanyang campaign blog na trailblazer sa niche na ito.
  5. Missing Carlo – Di rin naman masusukat ang pagmamahal ni Mica Rodriguez sa kanyang kapatid na si Carlo. Bukod sa pagiging talaarawan ng kanyang pangugulila sa kapatid, ang blog ay nagiging resource site rin para sa kondisyong autism. Ang Missing Carlo ay hosted ng aking proyektong Filblogs.com.
  6. Continue reading

Pinoy CyberCelebs, nakunan ng Ederic@CyberSpace

Mula sa pagiging socio-political (base sa classification ng Ratified.org) ng ederic@cyberspace, pansamantala itong magiging lifestyle blog upang maitampok ang mga Pinoy cybercelebs at blogger friends na nakunan ko ng larawan noong isang gabi sa kitaan ng Top 10 Emerging Influential Blogs. Siyempre, kasama na rin ang mga kuwento at side comments ko. Pasensya na sa di-kagandahang kuha ng Treo 650 ko–mababa lang kasi ang reso nito.

Maaga akong nakarating sa Max’s sa Park Square 1 at ang cyberceleb na ito ang unang bumati sa akin:

Continue reading

Top 10 Emerging Influential Blogs EB

Dumalo ako sa eyeball ng Top Ten Emerging Influential Blogs ng Digital Filipino sa Max’s Restaurant sa Park Square 1, Makati City kagabi.

Masaya. Bukod sa nakita’t nakilala ko ang mga blogger na sa cyberspace ko lang nakakausap, may libreng pagkain at mga papremyo pa. Hindi nga lang ako pinalad, pero may naiuwi naman akong mga babasahin.

Congrats sa mga nanalo sa Top 10 Emerging Influential Blogs for 2007. Lima sa mga pinili ko ang napasama sa listahan: Continue reading

Top 10 Emerging Influential Blogs

Unang isinulat noong Hulyo 22 at binago ngayong ika-30 ng Hulyo, 2007

Hahabol ako sa The Top 10 Emerging Influential Blogs in 2007 ng Digital Filipino ni Janette Toral. Narito na ang kumpletong listahan ko:

An Apple a Day
Personal blog ni Aileen Apolo ng Google Pilipinas. Ayaw man niyang amining isa na siyang cyberceleb, sigurado akong maraming sasang-ayon sa akin na intresado ang Pinoy netizens sa mga saloobin ng kinatawan sa bansa ng pinakahinahangaang kumpanya sa mundo sa larangan ng teknolohiya.

Gibbs Cadiz
Naniniwala akong ang kay Gibbs Cadiz ang isa sa mga nangungunang lifestyle blogs ngayon. Mababasa rito ang pinakabago sa pelikula at tanghalan, gayundin sa aklat at musika. Tinutulungan tayo ng kanyang mga review at salaysay tungkol sa mga palabas, at inaaliw tayo ng kanyang samu’t saring mga kuwento.

Continue reading