Ang StarStruck at mga Alaala ng Kabiguan at Tagumpay

Noong Biyernes na gabi ay nalaman na kung sino-sino ang 14 na maglalaban-laban para ituring na ultimate survivors sa palabas na StarStruck ng GMA-7.

Habang umaawit ang singer na si Kyla, ipinakita ang masasayang mukha ng mga pinalad. Isiningit din ang video ng mga nabigong makasali sa final 14. Kabilang ang anak ni Eddie Gil sa mga umuwing luhaan. Continue reading

Si Rainier at ang StarStruck kids

Nakausap ko sa office kanina sandali si Rainier Castillo ng StarStruck. Naikuwento ko kung paano nagko-congregate ang fans niya sa isang page nitong ederic@cyberspace. Sabi ko, daanan niya. Kinumpirma naman niya ‘yung address. Ewan ko lang kung dadaan nga. Matutuwa ang fans pag nagkaganoon. Mukhang mabait talaga ‘yung bata. Panay ang “po” at “opo.”

(Matanda na nga ako. Pino-po na ako ng isa sa mga pinakasikat na teen idols sa bansa. Naisip ko lang bigla ang sinabi ng isang kasama sa Tinig.com: Mukha na raw akong tatay.)

Speaking of StarStruck, pasok naman sina Sam (‘yung kamukha ni Aiza) at LJ sa elimination kanina. Baka this time, tatama na ang bets ko. Hehehe.