Valedictory address

Graduation season na naman. At dahil sa comment ni Eunice, magtatapos na valedictorian sa kanilang paaralan, at sa iba pang naghahanap ng talumpati para sa graduation, ibinabahagi ko ang talumpating binigkas ko sa Ipil National High School noong April 1995. Isinulat ito para sa akin ng isang tiya kong propesor.

Ang totoo, nagulat ako nang mabasa ko ang comment na nanghihingi ng valedictory address. Kako’y valedictorian siya, bakit kailangan niyang magpagawa sa iba? Pero nahiya ako sa sarili ko nang maalala kong hindi rin naman ako ang nagsulat ng speech ko noon bilang valedictorian ng klase. Hindi ko na maintindihan ngayon kung bakit kinailangan ko pang magpasulat ng talumpati na ako ang bibigkas.

Medyo weird na ngayon ang ilang bahagi kapag binabasa ko ang talumpati. Lalo na’t pagdating ko sa UP, kung saan wala na akong tagasulat ng talumpati, ay isa ako sa mga estudyanteng bumabatikos sa Philippines 2000.

Ang maipapayo ko kay Eunice at sa mga gaya niya, gamit ang ilang halimbawa gaya ng talumpati sa ibaba, at sa gabay ng tema ng pagtatapos nila, isulat niya ang sariling valedictory address. Magiging mas natural at mas totoo ang kanyang speech kapag ganoon — saka wala siyang mararamdamang hiya sa sarili balang araw.

Continue reading “Valedictory address”