Si Ka Satur

Naalala ko noong mawalan ako ng pinakauna kong trabaho. May tatlong buwan pa lamang akong correspondent sa Manila Times–na pinamamatnugutan noon ni Ma’am Malou Mangahas–nang ito ay magsara matapos mapilitan ang mga may-ari na ibenta ang dyaryo sa isang crony ni Pangulong Estrada.

Sa isang pagtitipon ng mga taga-media noong kasagsagan ng isyu ng panggigipit sa Times, dumalo ang guro namin sa UP na si Prof. Carolina Malay at ang kanyang kabiyak na si Satur Ocampo. Ipinakilala ako ni Ma’am Malay sa kanyang asawa at sinabihan ako ni Ka Satur–na matagal ding naging reporter ng lumang Manila Times bago maging aktibista at rebolusyunaryo–na huwag daw akong mawawalan ng pag-asa. Continue reading “Si Ka Satur”

Mga Talumpati ni Ka Satur Ocampo

Note: Tingnan din ang Talumpati category ng ederic@cyberspace, at ang mga talumpating nalathala sa Tinig.com.

Maraming mga estudyante ang naliligaw rito sa ederic@cyberspace at humihiling na padalhan sila ng mga talumpati. Bilang sagot sa mga kahilingang ito humingi ako ng kopya ng mga talumpati ng mga paborito kong mamababatas at dating mambabatas sa mga kaibigang kong staffmember nila.

Sa update na ito ng ederic@cyberspace, narito ang dalawang talumpati ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo. Continue reading “Mga Talumpati ni Ka Satur Ocampo”