Throwback: Gabay Guro Grand Gathering 2017

Baeby Baste, Maine Mendoza, at Alden Richards sa PLDT Gabay Guro Grand Gathering 2017 noong September 17, 2017 sa MOA Arena.

Sa mga pagtitipong napuntahan ko sa nakalipas na mga taon, isa sa mga pinakadinaluhan ng maraming mga bituin ang PLDT Gabay Guro Grand Gathering sa Mall of Asia Arena noong isang taon.

Isang concert na nagsisilbing pagpupugay sa mga gurong Pilipino ang taunang grand gathering na proyekto ng Gabay Guro, ang education advocacy program ng PLDT-Smart Foundation.


Continue reading “Throwback: Gabay Guro Grand Gathering 2017”

Sina Judy Ann, Piolo, at ang Pagpapakatotoo

Don't Give Up On UsNapanood namin kamakailan ang pelikulang “Don’t Give Up On Us” ng Star Cinema. Bida rito sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

Para sa mga matagal nang hindi nakakauwi at wala nang masyadong balita tungkol sa mga bituin ng pinilakang tabing dito sa ating bansa, maaaring hindi pamilyar sa inyo ang mga pangalang iyan. Siguro’y sina Guy and Pip–o sa mga mas bata, sina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta–pa ang pinakamainit na loveteam noong lisanin ninyo ang Pilipinas. Continue reading “Sina Judy Ann, Piolo, at ang Pagpapakatotoo”

Hindi ako si Piolo Pascual, pero…

Sa pelikulang Milan ko huling napanood si Piolo Pascual, kasama siyempre ang aking Lakambini. Kapag nababanggit ang artistang ito, naaalala ko ang isa sa mga unang gimik namin — nanood kami, kasama ang mga kaibigan, ng isang pelikulang bida si Piolo.

Pero mula ngayon, kapag mababanggit si Piolo Pascual, maaala ko na rin ang isa sa mga pangarap namin ng aking Lakambini, at malamang ay mithiin din ninyong lahat: ang pagbangon ng bansang Pilipinas.

Malabo ba? Teka, explain ko…

Basahin ang buong texto sa aking kolum sa Peyups.com.